Chapter 23

16.1K 691 256
                                    

A/N: Gandang Umaga!

---

Ink

"Wife! Faster!"

Mula sa pinaka taas ng hagdan ay dinig ko na agad ang malakas na bunganga ni Lou.

Porket magaling na ang paa niya eh nagmamahadera na naman siya.

Pupunta kasi kami ngayon ng amusement park dahil lumabis pala ang day off na hiningi namin dalawa sa mga magulang namin.

Two days kasing hindi nakapasok si Lou dahil sa paa niya tapos ako din hindi na pumasok dahil binantayan ko siya, baka kasi madoblehan kawawa naman.

"Wait lang kasi! Napaka atat mo." Sagot ko habang bumababa ng hagdan. Nag dala pa kasi ako ng extra shirts para kung kailanganin mamaya.

"Eh! Ngayon lang ulit ako makakapunta ng amusement park! Last pa noong bata tayo." Really? Eh seven years old palang kami non eh. Tapos ngayon we're both 25 na.

"Kawawa ka naman pala. Ang tanda mo na tapos isang beses ka palang nakakapunta sa amusement park." Pang aasar ko pa. Sinamaan niya naman ako nang tingin mula sa pinakababang baitang.

"Yabang nito. Bakit ikaw ilang beses kana nakabalik don?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya.

Bumaba muna ako hanggang sa magkatapat na kami bago umakto na tila ba nag iisip.

"Six times?" Tatango tango pang saad ko.

"At sino naman kasama mo sa six times na yon, aber?" Napangisi ako dahil sa kuryosidad sa tono niya. Aasarin ko nga to.

"Mga fafa." Pero sa halip na magalit ay parang nakahinga pa siya ng maluwag.

"Wala akong pakealam sa mga fafa mo. Sabi ko naman sayo Mommy ang hahanapin mo eh." She smirked before grabing my shirt and pulling me close to her.

"Where's my morning kiss, wife? Hindi tayo makakaalis hanggat wala yon." She whispered. Napapikit naman ako dahil sa pagtama ng mainit at mabango niyang hininga sa mukha ko.

Shit! Natutuliro na naman ako sa mga pinaggagagawa ni Lou.

"Y-you already claimed your morning kiss, Siana. Nasosobrahan ka na." Pilit pagtataray na saad ko.

Kiss pa din ang hanap niya? Hinahalikan niya nga ako kahit bagong gising palang siya. Jusko! Walang pake sa germs na napapasa namin sa isa't isa every morning.

"Kulang pa kaya. Kailangan talaga ng pasobra kasi special ako, darling." Dagdag niya pa.

"Ang dam---ummhhh." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ng maramdaman ko ang paglapat ng malambot niyang labi sa labi ko.

Ayan na naman ang pakiramdam na may kumikiliti sa loob ng tyan ko. Tangina. Baklang bakla na ako kay Lou.

"Yummy." Matapos lumayo ay rinig kong sinabi niya yon habang ang laki laki ng ngisi sa labi.

"Manyak!" Hiyang hiya na sikmat ko. Jusko! Hindi ko na kaya si Lou.

"Proud. Ikaw lang naman mamanyakin ko habang buhay, Fuego. Be proud nalang, darling." Humahagikhik na sagot niya.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now