Chapter 1

25.6K 945 937
                                    

A/N: Light story lang 'to para happy happy. Enjoy!

----

Ink

"Tagay hangang mamatay!" Sigaw ko sabay taas ng alak na hawak hawak ko habang nakatayo sa table dito sa VVIP room ng bar kung nasaan kami.

Saturday ngayon and it means GIMIK DAY! WOOT PARTY!!

Sabay sabay naman naghiyawan ang mga kaibigan ko at nagkanya kanyang tagay ng mga alak na hawak nila.

This is life! Party and freedom!

"All drinks on me, guys! Toma na!!" Dagdag ko pa na mas lalong kinalakas ng hiyawan nila.

This is so normal for us. Every Saturday ay may scheduled all night inuman kami ng circle of friends ko dito sa Tynt's. My Kuya own this bar kaya wantusawang party at inuman talaga ang ginagawa namin.

Maya maya lang din ay paniguradong magsisilabasan na sila ng room at manghuhunting ng boys. You know, those macho and yummy fafas na mapapa aww ka sa maskels at mapapa yum-yum sa abs.

"Hey, Ink. Balita ko tuloy na tuloy na ang engagement party ah?" Pagbaba ko sa table ay yon ang bungad sakin ni AC, short for Anabelle Chuck parang horror lang.

Ramdam ko ang pagkalukot ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko na naman ang babaeng yon na malapit nang maging parte ng pamilya namin. Mababahiran ng ibang specie ang napaka pure namin lahi!

"Unfortunately. Kawawa nga si Kuya eh, demonyita mapapangasawa niya." Matabang na saad ko dahil ayaw ko talaga sa mapapangasawa ni Kuya.

"Grabe talaga ang pagkadisgusto mo kay Lou ah. Ano ba kasi talaga ang dahilan ng galit niyo sa isa't isa?" Natatawang tanong niya pa bago sumimsim sa kopitang hawak niya. Yabang nito may pa kopita kopita pa eh juice lang naman laman.

"Pwede ba? Never utter the name of that girl infront of me. Nakaka suka." Nandidiring saad ko na mas ikinatawa niya lang.

Kung nagtataka kayo kung sino yung tinutuloy niya. Yon ang fiancé ni Kuya Tynt. May matandang kasunduan kasi ang great grand parents ng pamilyang Shayke at Fuego na dapat sumailalim sa fixed marraige ang third salin lahi nila, which is kami ni Kuya at ang nag iisang anak ngayon ng pamilyang Shayke. Si Louisiana Shayke, my greatest enemy.

Ewan ko ba sa family ko at sa mga Shayke, masyado nilang dinadamdam ang kasunduan na yon eh patay na naman great grandparents namin.

Siguro dahil narin sa prinsipyo ng mga Fuego na 'Walang Fuego ang umaatras sa pangako'

Edi K.

Buti nalang talaga at hindi sakin mangyayari yung kasunduan na yon dahil baka naglupasay nalang ako sa ground. Mapapakanta pa ako ng On The Ground ng hindi oras. Psh.

Actually magkababata kami dahil magkaedad kaming dalawa. Tanda ko pa na lagi akong pumupunta sa bahay nila na katabi lang ng bahay namin para maglaro ng dolls at tea parties. Pero noon yon. Nagbago ang lahat dahil sa isang nakakakilabot na pangyayari.

Naalala ko pa lang ang insidenteng yon ay kinikilabutan na talaga ako.

"Chill, Ink! Ang mabuti pa tara na sa dance floor at manghunting ng fafas!" Agad din niyang niyaya ang apat pa naming kaibigan palabas ng room. Para silang mga wild animals na inalpasan sa city at hayok na hayok manlapa ng mga fafa. Remind me again why I'm friends with them, please.

Nang makarating sa dance floor ay naghiwahiwalay na kami para more chance of winning a fafable for the night.

Don't get us wrong, okay? Hindi porket nanghahunting kami ng lalaki ay iuuwi na namin sila magpapachurva sa kanila.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now