Chapter 20

14.8K 686 416
                                    

A/N: Good morning!

---

Ink

"Nanay Mow ako na po maglalagay sa tupperwares." Kakapasok ko lang sa kusina at naabutan ko si Nanay na nag sasandok ng ulam na niluto ko.

Day off ko ngayong araw kasi naawa ata tatay ko sakin.

"Oh tapos kana pala maligo." Isang ngiti lang ang sinagot ko sa kanya at kinuha na ang sandok na hawak niya.

Dahil wala akong gagawin dito sa bahay ay naisip ko nalang ipagluto ng lunch si Lou. Kanina pa ako nakaluto at naligo lang ako.

Si Nanay sana ang magluluto pero sabi ko ako nalang. Minsan lang mag effort, pagbigyan niya na.

"Mabuti naman at mukhang maayos ang samahan niyo ni Lou, anak." Mula sa sinasandok na pininyahang manok ay nag angat ako ng tingin kay Nanay.

Maayos ba ang samahan kapag nagbabardagulan everyday? Kung oo, edi maayosa kami.

"Mabait naman po kasi ako." Nakangising saad ko.

"Mas mabait si Lou kaysa sayo." Naiiling na saad ni Nanay.

Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya. Umarte pa akong parang nasaktan at hawak hawak ang dibdib.

"Nanay! Ang sakit mo ah. Akala ko ba ako love mo?" Umaarte pang sambit ko.

"Mas love ko talaga si Lou." Halata naman kasi na iniinis ako ni Nanay. Dati kasi noong bata pa ako, umiiyak ako pag sinasabi niyang hindi ako ang favorite niya.

"Ouch! Pain! Pork chop!" Madramang sambit ko pa pero si Nanay Mow, tinawanan lan ako.

"Ewan ko sayong bata ka. Siya at ako'y maglilinis muna sa taas. Tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka pa." Tatawa tawang tumango nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

Nang matapos sa pagpapack ng lunch ay kinuha ko ang cellphone ko at may tinawagan.

Calling Ate Sabon.....

Nakaka dalawang ring palang ay sinagot niya na agad ang tawag.

"Hello, Pearl Lee speaking. How may I help you?"

"Ikaw si Pearl? Totoo?" Gulat na gulat na tanong ko dahil ang tino niya pakinggan! Wrong number ata tong binigay ni AC. Kapangalan lang ni Pearl.

Kinuha ko kasi number niya kay AC kaya siguro hindi niya ako kilala.

"Hala! Hindi ba ako si Pearl? Peke ba ako? Huhu" Literal na napatapik ako sa noo ng marinig ang sinabi niya. Confirm, si Pearl nga 'to.

"Ikaw nga si Pearl at totoo ka. Wag kana mag isip please." Pakiusap ko dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan na ito.

"Pano ba hindi mag isip? Iisipin ko na hindi ako nag iisp? Edi nag iisip pa din yon." Maling desisyon ata na tawagan ko siya ah.

"Sige mag isip ka na." Pano kaya natatagalan ni AC kausap si Pearl? Ilang minuto ko pa nga lang siya kausap, masakit na sa ulo.

"Nag iisip talaga ako. Hindi mo na kailangan ipaalala. I'm not bobo." Lord, pahingi po ng pasensya.

"So, sino ka nga? Don't tell me na isa kang scammer tapos itatry mong iscam ako! Sorry hindi ako bobo para magpa uto sayo!" Shuta! Ang lawak naman ng imagination niya. Tsaka ako scammer? duh, sa ganda kong to!

"This is Ink Fuego, Pearl. Busy ka ba?" Mahinahong tanong ko. As much as possible ay gusto kong paikliin lang ang usapan namin dahil baka mabaliw ako dito kay Pearl.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now