Chapter 24

14.7K 688 178
                                    

A/N: Eto lang update ko for today's video. Yun lang. Good morning! Bye.

---

Ink

"Kafatid!" kakapasok palang namin sa bahay ay ang malanding kapatid ko na agad ang bumati sa amin.

Bakit kami nandito? Kasi wala kami doon. Charot. May family dinner kasi kami kasama ang mga Shayke. Masyado na nilang dinibdib ang pagiging isang pamilya dahil sa nangyaring kasal namin ni Lou.

Well, maganda yon dahil wala na naman kaming planong maghiwalay.

"Stop, Kuya. Ang ingay mo." Natatawang pigil ko sa paglapit niya. Akmang bebeso pa yan eh nakakakiliti naman yung beard niya.

Napakalandi magsalita pero macho pa din itsura. Minsan naiisip ko baka ampon si Kuya tapos kapatid niya si Pearl.

"Ang sungit mo kahit kailan! Nasstress kagandahan ko sayo! Hmp." Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Lou sa likod ko habang naka backhug sakin.

Kanina pa siya parang Koala na ayaw bumitaw. Parang tanga lang eh.

"At ano naman peg mo dyan, Louisiana? Unggoy tapos si Inky ang puno?" Taas kilay na sita ni Kuya kay Lou.

Rinig ko ang mahinang pag ismid ni Lou.

"Ang ganda kong unggoy. Tapos masyadong maputi si Ink para maging puno. Pwede na sigurong poste ng meralco na pininturahan ng white." I mentally rolled my eyes dahil sa sinagot niya.

Wala ding kwenta. Jusko po, kaya sila magkasundo ni Kuya pareho silang baliw.

"Tss. Tara na nga, nang hihintay na ang mga senior sa dinning table!" May pagpilantik pa talaga ang kamay ni Kuya bago tumalikod at pakendeng kendeng na naglakad patungo sa dining area nitong bahay.

"Baliw talaga si Tynt." Rinig kong bulong ni Lou na sinagot ko ng tawa. Totoo naman kasi, hindi ko maitatanggi.

"Lou, baka pwedeng umayos ka ng tayo dahil hindi tayo makakarating ng maayos sa dining kung nakaakap ka ng ganyan sakin."

"Ayaw. Kaya mo yan. Nakapasok nga tayo dito sa bahay ng nakaganito eh. Bilis na, lakad na Ink." nasabi ko na bang sobrang clingy ni Lou? Kung hindi pa, ngayon nasabi ko na.

After noong gala namin kahapon sa amusement park mas naging touchy na siya kaysa sa normal.

Hindi ko na din matanong sa kanya ulit kung totoo ba yung sinigaw niya sa demonyong ride na sinakyan namin.

Napaka pauso niya, ang alam ko sa ferris wheel madalas mag confess ang mga tao. Pero siya, doon talaga.

"Baliw ka talaga." Naiiling na sagot ko nalang bago nagsimulang maglakad habang may palakang naka kapit sakin.

"Oh, here comes the couple!" Pagkapasok namin sa dining ay bibig na agad ng Mommy ko ang unang bumuka.

Ngiting ngiti silang lahat habang nakatingin sa amin ni Lou. Nandito din pala ang bf ni Kuya.

"Good evening po." Magalang na saad ni Lou bago bumitaw sa akin para magmano at humalik sa mga magulang at grandparents namin. Sumunod na din ako sa kanya.

"You two looks cute together, baby. I'm so happy for you." Bulong ni Mommy matapos ko siyang halikan sa pisnge.

Kung noon nila sasabihin na cute kami tingnan ni Lou ay baka naghurumentado na ang buong kaluluwa ko. Pero ngayon? Kinikilig na pati apdo ko. Syempre, pareho kaming perfect kaya bagay kami! Tho, mas perfect ako.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora