Chapter 29

12K 530 130
                                    

A/N: Ending Soon! Good Morning 💕

---

Lou

"Ohh yes."

"There ahh."

"Harder!"

"Right there. Ohh."

"You're so great. Ohh!"

"Shit! Ohh you're hitting the right ohhh spot!"

Parang gusto kong magtakip ng tenga dahil sa pinagsasabi ni Ink habang nag papa Thai massage kaming apat.

Magkakatabi kaming nagpapamasahe dito at ang magaling kong asawa ay parang nakikipag anohan sa paraan ng pag ungol at mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Ink. Umayos ka nga! Para akong nanonood ng bold dahil sa'yo!" Angil ni AC. Hindi na ata kinaya ang pag ungol ni Ink.

Okay lang naman sakin na ganun siya kaingay, basta ako ang may gawa ng pag iingay niya.

"Ano ba?! Ang sarap eh." Sagot ng gluta.

Binaling ko ang ulo sa direksyon niya at gustong gusto ko ng bumunghalit ng tawa dahil namumula na sa hiya ang nagmamasahe kay Ink.

Sinong hindi eh parang nakikipag sex yung minamasahe niya? HAHAHAHA boang.

"Pearl. Buhay ka pa?" Rinig kong tawag ni AC kay Pearl dahil kanina pa yan tahimik.

Hindi kami sanay na walang nagsasalitang baliw.

"Tulog na ata si Pearl." Bulong ko na sapat lang apra madinig nila. Sila lang naman ang akala mo laging nakikipag away sa lakas ng mga boses.

"H-hindi ako tulog! Hindi talaga!" Nagulantang kaming lahat ng biglang bumangon si Pearl habang sumesenyas pa ng hindi gamit ang kamay.

Automatic na pumikit ang mata ko dahil hubad siya for freaking sake!

"Fuego yang mata mo ah." Paalala ko sa gluta dahil baka mamaya nakatitig yan sa cocolemons ni Pearl, mabubulag ko siya.

"Tss. As if naman meron. Eh pareho sila ni AC na member ng triple D club." Natatawang saad ni Ink.

"Jesus! Pearl bumalik sa pagkakadapa mo!" Rinig kong sigaw ni AC.

Kami lang at ang nagpapamassage na ganito kaingay. Nakakahiya kina ateng masahista.

"Okay na. Nakadapa na ulit ako." Saad ni Pearl.

Doon lang ako ulit nagmulat at tumingin kay Ink.

"Ano yung triple D?" Kunot noong tanong ko.

Bigla naman siyang ngumisi at bumungisngis. Habang yung nagmamasahe sa kanya ay hindi alam kung pano siya sasawayin dahil para siyang bulate na inasinan sa sobrang likot.

"Chika ko sayo mamaya, Siana. HAHAHAHAHAHA." parang baliw na saad ni Ink bago tumawa ng malakas.

Bumalik nalang ako sa pagkakasubsob at hindi na sila pinansin kahit na si Ink ay tawa pa din ng tawa habang si AC ay segu-segundo atang tinatawag si Pearl.

Nagpamassage kami para magrelax pero wala atang salitang relax sa tatlong 'to.

~

"My body feels lighter!" Maginhawang saad ni Ink matapos naming lumabas sa massage parlour na pinuntahan namin.

Tawang tawa pa ako sa mukha ng mga nagmasahe sa amin dahil pulang pula sila. Hindi ata kinaya si Ink na walang ginawa kundi umungol ng umungol.

"San na tayo pupunta? Gutom na ako." Nakangusong sambit ni Pearl habang naka hawak sa kamay ni AC.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt