Chapter 31

11.6K 559 195
                                    

A/N: Good morning!

---

Lou

Habang umaandar ang sinasakyan ay hindi ako mapakali sa inuupuan ko.

Maging si Pearl na kahit tahimik ay halata na ding kinakabahan.

This is not what we expected to happen after arriving here!

"Hoy kuya bakit huminto!" Hindi napigilang sigaw ko ng biglang huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng... hospital?!

Doon na dumagundong lalo ang kaba ko. Maging si Pearl ay halata na din ang pag aalala.

Putangina mo Fuego! Kung ano man nangyari sayo, dodoblehan kita!

"S-sir. What are we d-doing here?" Agad na tanong ko ng buksan ni Kuya ang pinto ng ambulance at abala sa pagkuha ng maleta namin.

Pero ang lolo niyo hindi manlang nagsalita at inilahad lang ang kamay niya para tulungan kami bumaba.

Eh kung hilahin ko kaya ang dila niya para magsalita siya?! Aba pambihira!

Naghahalo halo na ang nararamdaman ko.

Pagod sa sobrang tagal na byahe, frustration dahil hindi ko alam ang nangyayari, at pag aalala kina Ink.

"Ahhhhhhh Lo---shdusahhssj," Kakababa palang namin ng biglang sumigaw si Pearl kaya napaligon ako sa kanya.

Ang kaba ko kanina ay napalitan ng takot dahil may tatlong naka itim na malalaking lalaki ang may hawak kay Pearl ngayon.

Si Kuyang naghatid samin dito ay bigla na ding nawala.

Tapos medyo madilim pa sa part na to ng harap ng hospital. Hindi ko alam bakit dito kami ibinaba!

"Hoy bitawan niyo yan!" Lakas loob na sigaw ko pero agad akong umatras ng tingnan ako ng pinakamalaki sa kanila.

"Ay sige isama niyo na pala hehe." Kabadong saad ko.

"ahsjsjshshahshshsh," Pilit kumakawala si Pearl sa may hawak sa kanya pero masyado yon malaki kaya wala siyang magawa.

"Come with us." Parang gusto kong tumakbo dahil sa boses ni Kuyang Bigboss. Para siyang devil na nasa ilalim ng lupa dahil sa lalim ng boses niya. Tapos may accent pa siya. Sounds expensive, infairness, pero nakakatakot!

"W-why? Why would I?" Tinaasan ko pa siya ng kilay para malaman niyang hindi ako basta basta mauutusan.

Pero deep inside, gusto ko na umiyak at maglupasay.

"Don't be stubborn, young lady. Just come with us." Gago ba sila? Sinong baliw ang sasama sa mga kidnappers ng kusa?!

"Sumama na tayo, Lou!" Doon ako napatingin ulit kay Pearl at wala ng takip ang bibig niya tapos nasa loob na siya ng van!

Aba? Hindi ko kailangan ang kaboangan mo ngayon Pearl!

"Pearl! What the?!" Kita ko pa ang pag aabot niya ng dalawang pulsuhan sa isang goon para lagyan siya ng posas.

"Sama kana, Lou. Wala tayong magagawa sa kanila. Baka matigok tayo pag nanlaban tayo, girl." Kaswal na saad niya at inabot pa ang cellphone sa isang goon para picturan siya habang nakaposas!

"Just cooperate like what that lady is doing right now, missy." Muli akong napabaling kay Kuyang Bigboss at sinamaan siya ng tingin.

"No!" Matigas na saad ko at namewang pa sa kanya.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now