Chapter 13

14.3K 808 551
                                    

A/N: Magandang Umaga!

---

Lou

"Okay, let's talk" Kakauwi lang nina Pearl at nandito na kami ni Ink sa kwarto. Pinagpahinga na din namin si Nanay Mow dahil maghapon yon halos na inasikaso kaming apat.

"Okay. You start, Lou" Mahinahong saad niya matapos umupo sa tabi ko.

Nandito kaming dalawa sa kama, magkaharap na naka upo.

"Let's have a deal" I said.

I saw her nod as if encouraging me to elaborate what I've said.

"Let's court each other.." Nanlalaki ang matang nasamid si Ink dahil sa sinabi ko.

Pinanatili ko ang ekspresyon sa mukha ko. Seryoso ako.

"W-what?!" Gulat na gulat na tanong niya.

Itong babaeng gluta na to, akala mo siya lang ang luge dito eh.

"Let's make each other fall, Ink. I'm serious" Dugtong ko pa.

Wala namang mawawala samin diba? Kasal na din kami. Kung mananatili kaming nagpapatayan araw araw, baka hindi din magtagal at maghiwalay kami.

Hindi sa ayaw kong maghiwalay kami ah. Nandito na din naman, bakit hindi namin subukan?

Ang totoo niyan, crush ko si Ink noon pa. Oo na hindi ko na idedeny. Crush lang naman.

Pero simula noong tubuan siya ng sungay, nawala yon. Ngayon parang bumabalik eh.

"H-how... how can you say such... words?!" Yawang babaeng gluta to ah. Kung maka react naman kala mi siya lang ang yummy.

"Ink, let's just try okay. Kapag hindi talaga nag work then let's stay as friends or kahit frienimies. If it'll still not work then let's file for divorce." Nakita ko naman na bahagya siyang natigilan. Mukhang nag iisip kung papayag o hindi.

Wala din naman siyang magagawa kundi pumayag dahil ako ang boss dito.

"Give me one valid reason why I should say yes to your offer, Lou" Seryosong saad niya habang nakatitig ng diretso sa mata ko.

I gave her a grin then nod. "May nangyari na sa atin. Kahit kalimutan mo yon, nangyari na Ink"

"And remember the blood compact that you and your friends did? Isn't that the only way para hindi ka nila isumpa?" dagdag ko pa.

I saw how colours left her face. Yes, alalahanin mo, Ink.

That incident. The day we woke up naked beside each other after a wild and hot night of party and sex.

"We're both aware of what we're doing that time, Fuego. Both gave consent. So I don't really know why you suddenly avoided me and start this war between us" Yes, ayon ang reason kung bakit galit na galit siya sakin.

Akala mo hindi umungol sa sarap noong ginagawa namin yon. Napaka abnormal. Isip bata.

"T-that was.. a m-mistake.." Hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan, magalit, o malungkot dahil sa sinabi niya. It was our first. Both of us. Napaka bobo ni Ink!

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now