Chapter 17

14.6K 775 356
                                    

A/N: Nasa Pelvic Grind ni Gold ang utak ko 😭 Anyways, Magandang Umaga!

---

Ink

Shocked.

That's the only word that can describe what I'm feeling right now.

What Lou said made my brain to malfunction. My nerve receptors shut down.

She likes me? Is it real? O parte lang to ng deal? Pinaglalaruan niya na ba ako?

"Palaban ang pulang manok!" Kahit sumisigaw sina Pearl at ang iba pa naming kasama ay nanatiling nakatitig lang ako kay Lou.

She's smiling brightly towards me. That smile, a very sincere smile.

"Kaya bawal ka na magka gusto sa iba, Fuego. Akin ka lang, got that?" Matapos sabihin yon ay bumaba na siya ng stage at naglakad na pabalik sa pwesto namin.

Hindi ko padin mahanap ang boses ko. Napipi na ata ako dahil sa ginawa at sinabi niya pati na din sa mga hiyawan at tukso ng mga kasama namin dito.

Birthday party to ni Sahara diba? Pero bakit nasa amin ang atensyon?

"Ink.." Mula sa malalim na pag iisip ay nag angat ako ng tingin kay Lou, na nasa harap ko na ngayon.

"A-ano.. yon?" Pucha! Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Ramdam ko din ang pag init ng mukha ko.

"Pakiss." Mula sa pag kakangiti ng maganda ay bigla nalang siya ngumisi kasabay ng hiyawan ng mga kasama namin.

"Ayun oh! Tama yan Lou!"

"Iba ang manok na pula, Chuckydoll! Bakit kasi sa puti ako pumusta?

"Kiss! Kiss!"

"H-ha?" Dapat sigawan ko na siya diba? Dapat naiinis na ako? Pero bakit para akong tanga dito na nakatingin lang sa kanya at hindi alam ang sasabihin?

"Pero mamaya nalang pala pag tayo nalang dalawa. Ang daming nanonood eh" Yumuko siya ng bahagya hanggang sa magpantay ang mukha namin bago niya ako halikan sa... noo?!

"Gusto kita. Seryoso ako. Kung naiisip mong nag bibiro ako, wag ka nalang mag isip magaling ka naman don." Iniinsulto niya ako diba? Pero bakit mas bumilis ata ang tibok ng puso ko?

Putangina?! Gusto niya ako?! Si Lou?

"Inkkkkkkkk magsalita ka naman! Napaka bottom ng dating ah! Sa iyo ako pumupusta jusko ka! Mauubos laman ng banko ko dahil sa kabagalan mo!" Doon lang tuluyan nagbalik ang diwa ko ng alugin ako ni AC at sigawan sa tenga.

Pucha ang lakas ng boses niya!

"Ano ba?!" Inis na saad ko dito.

I heard Lou's chuckle and I my eyes automatically gaze at her. Shit may gayuma ba ang pag amin niya? Bakit kinakabahan ako! Bakit ang sarap pakinggan ng tawa niya?! Bakit!

"Oh tulala ka na naman sakin, darling. Isara mo bibig mo baka tumulo laway mo." Parang gusto ko magsabi ng masasamang words ng isarado ni Lou ang bibig ko gamit ang kamay niya.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now