Chapter 14

14.8K 723 197
                                    

A/N: Magandang Morning 💕

---

Ink

"Hey, we're here" mahinang tinapik tapik ko ang pisnge ni Lou na kasalukuyang naka patong ang ulo sa balikat ko.

Nandito na kami sa resort nina Sahara kung san mag stay kami for one night and two days. Si AC ang nag drive papunta dito, katabi niya si Pearl na nasa passenger's seat while me and Lou ay nandito sa backseat.

"Mmhhh" I heard her hum bago mas sumiksik sa leeg ko at iniyakap pa talaga ang braso sa bewang ko.

Aba't hindi porket may deal kami ay aabusuhin na niya!

"Siana, wake up" Inalog alog ko na siya pero ang babaeng ito hindi naiinli. Kanina pa naka labas ng sasakyan sina AC at sinabing sumunod nalang kami.

"LOUISIANA SHAYKE!" dahil sa pagsigaw ko ay bigla siyang napaalis sa pagkakasandal sakin kaya nauntog siya sa may bintana ng kotse.

Pinigilan ko ang matawa dahil ang sama ng tingin niya sakin ngayon.

"SHAYKE-FUEGO!" ganting sigaw niya na ikinatawa ko na talaga. Feel na feel niya ang apelyido ko ah.

"Buti naman at gising kana. Basang basa na ng laway mo ang balikat ko" Palatak ko na ikinataas ng kilay niya.

Bagong gising ba talaga to? Bakit ang ganda naman ata? Syempre joke lang mas maganda ako!

"Kapal mo, hindi tumutulo laway ko pag natutulog!" Kakagising lang niya pero active na agad ang utak basta bardagulan eh.

"Oo na. Tara na, kanina pa tayo iniintay nina AC" Ano bang nagbago simula noong pareho kaming sumang ayon sa deal?

Una, hindi na kami masyadong nag sisigawan. Mga half-day nalang hindi na whole day.

Pangalawa, wala na ayon lang ang nagbago dahil abnormal si Lou.

"Let's go" Ako na ang naunang bumaba at hinawakan ko nalang ang pinto ng kotse para makalabas din siya.

We're here in Laguna. Nandito kasi yung private resort ng mga Montenegro.

"Ako na magdadala" Bago pa man makuha ni Lou ang bag ng gamit namin ay nahatak kona ito. Hinawakan ko nalang ang kamay niya at hinila papunta sa tutuluyan naming resthouse.

Hindi ako sanay na may kaholding hands na malambot ang kamay. Madalas kasi mga fafa ang kahawak ko ng kamay. But Lou's hand is way better than boy's.

Nagtataka kayo bakit? Diba nagliligawan kami. Nabasa ko sa internet doon sa Ways To Make Someone Fall for You.

"Ang ganda dito" Rinig kong bulong ni Lou ng makita namin ang dagat. Yup, it's exquisite. There are pits set up along the fine white sand beach that are perfect for hangouts and jamming sessions, just steps from the waves. 

"Magpaiwan ka dito bukas" Sagot ko. Eto ang problema namin. Hindi namin mapigilan na barahin ang isa't isa.

"Sige basta kasama ka tapos maghoneymoon tayo sa beachside" Muntik na ako matapilok dahil sa sinabi niya kaya ang babaeng palaka ay humahagalpak na naman ng tawa. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko at siguradong ang pula ko na naman.

Wala kasing preno ang bunganga nitong si Lou. Napakalaswa pa madalas ang sinasabi niya.

"Arggh! Wala ka ng pag asang tumino!" Gigil na saad ko bago siya hinila patungo kung nasan sina AC.

~

"Inkkkkkkkkk!" Kakapasok lang namin sa receiving area nitong lugar at nagsisisigaw na agad si AC. Katabi niya si Pearl na nakangiting nakatingin samin.  May kasama pa silang iba na siguradong kaibigan nina Lou.

Miss Not-So-Right (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon