CHAPTER 185: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

494 39 7
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 185: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[2nd half-3rd quarter| 12 mins. 47 secs.|
Tokyo Team: 58 | Skopje Team: 64]

Nang makabalik ang lahat sa court ay nagsipwesto na ang mga ito. Sa kasalukuyang puntos ng bawat kuponan ay lamang ng anim ba puntos ang Skopje Team.

Ang Skopje Team ang huling nakagawa ng puntos kaya ang bola ay mapupunta sa Tokyo Team. Kinuha yun ni Sendoh at pinatalbog. Nag-isip si Sendoh ng panibagong opensang gagawin dahil muli na namang lumamang ang Skopje.

Hindi maitatanggi ni Sendoh ang galing sa bilang pagbago ng estilo ng opponent team pagkamangha sa kuponan na ito.

Nagsenyasan ang mga Skopje Players at nakikinig sila ng maayos sa instruksyon ng kanilang Kapitan.

*Pass!*

Pinasa ni Sendoh ang bola kay Hanamichi. Pagkasalo nito ay mabilis yung dinribol ni Hanamichi palabas ng half court ng Skopje Team.

Pagkalabas niya ay binounce pass niya ito kay Fujima na nasa loob ng half court ng Tokyo Team at kasalukuyang tumatakbo.

*Passing!*

Si Fujima ay nasa point guard area at ang mga kasamahan na nakapasok sa depensa ng Skopje Team ay sina Maki at Mittsu.

Nang masalo ni Fujima ang bola ay saktong palapit sa kanya si Bajrami na layuning agawin ang bola. Pero hindi pinatagal ni Fujima ang pagkakahawak sa bola kaya pinasa niya ito kay Mittsu na nasa small forward area.

Nakita ni Jovanovska ang pasang iyon kaya binabag niya ang kamay dun pero sa halip na saluhin ni Mittsu ang palapit na bola sa  ay pinalo niya ito para dumirekta agad kay Maki na nasa rebounding area.

Isang speed pass.

*PAKK!*

Nasalo ni Maki ang bola at dinakdak agad sa ring.

*DUNKKKKKKKKK!*

"AYOOOOOOS! NAKAPUNTOS RIN SA WAKAS!

MAKI!!!

TOKYO BAWI TAYO!"

[2nd half-3rd quarter| 12 mins. 12 secs.|
Tokyo Team: 60 | Skopje Team: 64]

Ang Skopje Team naman ay tila walang pakealam at agad kinuha ni Ivanova ang bola saka pinasa kay Jovanovska na nakatayo sa outer area ng half court ng Tokyo Team at mabilis itong dinribol palabas.

(Dribbling...)

"Babagan niyo!" Sigaw ni Coach Zakusa sa kanila.

Dahil sa bilis ng pagdidribol ni Jovanovska ay agad itong nakapasok sa half court ng kanilang mismong kuponan. Mabilis din umaksiyon ang Tokyo Team, hindi magpapatalo sa bilis at tulin ng Skopje Team lalo na't paikli na ng paikli ang oras at matatapos na ang laban.

Sa triangle base area ng ring ay nakatayo doon ang power forward na Rajak. Nang magtapo ang kanilang mga tingin ay inoverhead pass ni Jovanovska ang bola sa kanya.

*PASS!*

Nakahangad silang lahat sa bola na nasa ere.

Hindi nila namalayan ang isang player na palapit sa pasang iyon na kayang-kayang abutin at pigilan sa pamamagitan ng simpleng talon lamang.

Habang nakatingin si Rajak sa bola ay para bang huminto ang oras nang makita niya ang kung sinong kamay ang nakalapit sa bola habang nasa ere pa lamang ito. Hindi siya makapaniwala.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon