SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 183: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
*** Locker Room ***
Ang lahat ng miyembro ng Tokyo Team ay kasalukuyang nagtipon sa loob ng kanilang locker room. Meron silang break time upang makapagpahinga at para mapaghandaan ang second half.
Hawak ni Coach Zakusa ang maliit na ilustrasiyon ng court saka hinarap ang mga players.
"Makinig kayo, sa kasalukuyang lamang niyo sa Skopje ay siguradong babaliktarin na nila ang laban sa 2nd half." Sabi ni Coach Zakusa saka tiningnan si Sendoh. "Napansin mo yun diba?"
Tumango naman si Sendoh saka pumunta sa harapan.
"Maghanda kayo sa second half. Ang laro ng Skopje ay siguradong iiba. Kanina ko pa kaseng napansin na pinipigilan nila ang kanilang mga sarili na ipakita ang totoong kakayahan nila." Sabi nito sa kanila.
"Nagpapanggap?" Tanong ni Fujima.
"Aba, eh sira ulo pala ang mga yun eh! Ano akala nila sa atin? Minamaliit ba nila tayo?" Inis na tanong ni Hanamichi.
"Siguro, Sakuragi. Ganunpaman, hindi natin sila hahayaang makalamang at malampaso tayo." Sagot ni Maki.
Ang oras nila sa break time ay ginamit ni Coach Zakusa upang iduscuss ang kanilang magiging galaw, kilos at taktika sa 2nd half.
Sa kabilang kuponan naman ay ganun din ang ginawa. Binigyan na ni Coach Gedjuttel ang kanyang mga players ng permiso na gawin na ang kanilang mga gusto.
Paglipas ng ilang sandali ay tumunog na ang time buzzer ng standium. Kailangan na nilang bumalik.
"Okay, team. Naintindihan niyo ba ang mga napag-usapan natin?" Tanong sa kanila ni Coach Zakusa.
"Oo!" Sagot nila saka naglakad na sila palabas.
Habang naglalakad sila ay magkasabay si Haruko at Hanamichi. May iilang bagay silang pinag-usapan tungkol sa kanilang dalawa. Samantala sa kanilang likuran ay nakasunod sina Kiyota at Jin na parehong nakangiwi dahil sa dalawang taong nag-uusap sa kanilang likuran.
Pasimple nilang tiningnan ang kanilang likuran at doon nakita nila si Coach Zakusa at Mari na magkahawak ang kamay.
Napasapo na lang ng noo si Kiyota. "Gagi, bawal yan ah? Teacher-Coach Player si Zakusa pero--- may relasyon ba sila ni Mari?" Bulong na tanong ni Kiyota.
"Anong problema doon? E fresh graduate yang si Zakusa. At isa pa, 3rd na si Mari. Walang magiging problema." Sagot ni Jin.
"Ehh si Daisho? Paano na yung Russian Lover boy?" Tanong ulit ni Kiyota.
"Hindi na natin problema yan. Hindi natin kasalanan kung iniwan niya si Mari kaya nakahanap ito ng ibang lalake na mas matino sa kanya." Sagot ni Jin.
"Kung sabagay tama ka jan, Pareng Jin. Matured enough na si Zakusa. Baka nga pag graduate ni Mari magpapakasal sila." Sang-ayon ni Kiyota.
Sa kabilang kuponan naman na naunang nakabalik sa court. Ang Skopje, sa kanilang muling pag pasok sa court ay nakatingin ang tatlog Paris Players sa gawi nila.
Si Rajak naman ay nakita niya si Cadieux na nakatingin sa kanya.
Ang dalawang number 10 players na mula sa Paris at Skopje na dating nagkaharap nung nakaraang taon.
Nginisihan lang ni Rajak si Cadieux.
"Tssk." Naglakad si Rajak patungo sa kanilang bench area.
Napangiwi na lang si Rajak at umirap. "Akala mo kung sinong matino eh." Bulong niya.
YOU ARE READING
SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang panibagong yugto sa mundo ng kolehiyong basketball at haharapin ang ibang College Teams na nagmula sa...