CHAPTER 131: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

575 37 10
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 131: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Dahil sa Fade Away Shot ni Hanamichi ang kanilang 15 points ay naging 17 na. 13 minutes na lang ang natitira sa first half.

Nakipag-apiran si Hanamichi sa kanyang mga kasamahan.

"Ang galing nun, Tol. Muntik nang maperfect." Nakangiting sabi ni Hitotsu sa kanya.

"Konting practice na lang, siguradong maayos na ang landing ko." Sagot ni Hanamichi.

Samantala ang Al Balqa Team ay nashock nang gawin yun ni Hanamichi. Hindi nila lubos akalain na kayang gawin ang isang mahirap na shooting trick tulad ng fade away shot.

Hawak Najjar ang bola. Pinatalbog niya ito. Panibagong plano na naman ang kanilang gawin. Dahil sa tirang yun ay napagtanto nilang hindi lang ganun ang kayang gawin ni Hanamichi.

"Mahusay siya sa long range shot." Sabi ni Al Jayarat.

"Kailangang mag-ingat sa kanya." Sagot ni Najjar.

"Pupuntos tayo." Jaradat.

Sinimulan na nila ang opensa.

Dinribol ni Najjar ang bola. Pagkalagpas niya sa division line ay pinasa niya ito kay Jaradat. Pagkatanggap nito ay dinribol ito patungo sa right side 5 ft ng 3 point area para sa side shot. Pagkarating niya doon ay sinalubong siya ni Kiyota. Akmang papalpalin nito ang bola nang ihagis niya ito ng mataas nang makita niya si El Maghraby na nasa ilalim ng ring.

Mag-aalley hoop siya.

*Pass!*

*Pak!*

Umawang ang bibig niya nang nakaya paring tamaan ni Kiyota ang bola.

"Imposible. Ang taas niya ding tumalon." Sabi sa isip ni Jaradat.

Dahil sa ginawa ni Kiyota ay nawalan ng porma ang bola. Imbes na ipapasa niya ang bola ay sumentro ito sa ring.

"REBOUND!" sigaw ng mga players.

Sa kauna-unahang beses ay magaganap ang rebound sa pagitan ng Al Balqa at Tokyo Team.

Agad niresbakan ni Al Hourani si El Maghraby sa ilalim ng ring para kunin ang rebound. Akmang tatakbo din si Hitotsu para kunin yun nang biglang dumaan si Hanamichi sa harapan niya.

Hindi na siya tumuloy. Malakas ang tiwala niya na si Hanamichi ang makakakuha sa rebound. Hihintayin niya na lang ito.

Paglapit ng bola sa ring ay tumama ito sa gilid at tumalbog ng mataas. Parehong nakahangad sina Al Hourani at El Maghraby.

"Sa atin na'to." Sabi ni Al Hourani.

Tumalon sila ng sabay.

Parehong malapit ang kanilang mga kamay sa bola.

Ilang milimetro na lang.

"Akin yan!"

*Pak!*

Nanlaki ang mga mata nilang dalawa nang makita nila si Hanamichi na nakadakma sa bola.

"Ako ang Hari ng Rebound!" Dagdag pa ni Hanamichi at ngumisi sa kanila.

"H-Hari ng Rebound?" El Maghraby

Pagkababa ni Hanamichi sa sahig ay hindi niya napansin si Jaradat na nasa baba niya kaya pinalo nito ang bola para mapunta ulit sa ere.

*Pak!*

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now