CHAPTER 122:

691 39 16
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 122:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Kinabukasan ay walang pasok sina Hanamichi, ang bakanteng oras nila ay nilaan nilang dalawa ni Haruko. Nagkaroon ng free time sa practice ang Tokyo Team. Si Haruko at Hanamichi naman ay masayang nag-uusap sa Coffee bar.

Mula sa labas ay nakita sila ng triplets.

"Tignan niyo mga Tol, diba si Sakuragi at Ms. Haruko yun?" Turo ni Hitotsu sa gawi nila.

Tumingin din ang kambal sa gawing iyon.

"Oo nga noh?" Futatsu

"Nagdadate ata sila hihihi." Tawa ni Mittsu.

Si Hanamichi naman ay nakatingin sa menu. Maraming masasarap na cake, breads, mamon at donuts ang nasa menu.

"May gusto ka bang ipares sa coffee shake mo, myloves?" Tanong ni Hanamichi.

Tumingin din si Haruko sa menu na hawak ni Hanamichi.

"Etong cupcakes, Sakuragi. Mukhang masarap. Gusto ko yung chocolate." Ngiting sagot ni Haruko.

Ngumiti din si Hanamichi at nag-order nun.

Napangiti siya sa kanyang isipan. Mas lalo siyang naiinlove kay Haruko dahil hindi ito mahilig sa mga mamahalin. Bagkus ito ay simpleng babae lang at hindi maarte. Maganda at cute na nga, mabait pa.

Pagkatapos makuha ni Hanamichi ang tatlong apat na cupcakes at binigay niya yun kay Haruko. Tig dalawa sila.

"Salamat." Ngumiti ulit si Haruko at kumain ng isa nun.

Humigop ng kape si Hanamichi. "Oo nga pala, myloves. May iba ka bang gagawin sa araw na'to? Marami pang bakante." Tanong nito sa kanya.

Umiling namam si Haruko bago sumagot. "Ang totoo wala akong gagawin ngayon, naasikaso ko na rin yung mga homeworks ko. Siguro..." Tiningnan niya si Hanamichi sa mata. "Bakit hindi tayo mag practice? Total marami namang mga basketball court ang pakalat dito sa Tokyo."

Ngumiti si Hanamichi at tumango. "Okay myloves! Magpapractice tayo!"

*Pak!*

Parehong nabigla si Haruko at Hanamichi nang may kung anong kalabog mula sa kanilang harapan na nasa labas. Laking gulat nila na ang mga triplets pala ito.

"A-anak nang... Si Uno, Dos at Tres yon ah?" Taas kilay na tanong ni Hanamichi.

"Anong ginagawa nila dito?" Haruko

Nakita nilang parang may sinasabi ang mga ito pero hindi nila maintindihan dahil nasa labas sila. Nang makita nila ang pintuan ay dali-daling pumasok ang triplets.

Nakasuot lang sila ng simpleng X-Xtra Large na t-shirt at denim short na hanggang tuhod at naka tsinelas lang. Nagmumukha silang yagit sa paningin ni Hanamichi, mukhang walang kapera-pera dahil sa kanilang hitsura.

"Wow naman, Sakuragi Tol. Nagdadate pala kayo?" Ngising sabi ni Hitotsu.

"We are not a totally nuisance naman diba? At--- wow ang sarap niyan ah." Natakam si Futatsu nang makita niya ang chocolate cupcakes na nasa mesa nina Hanamichi.

"Anong: not totally nuisance pinagsasabi mo? Mga istorbo kayo!"masungit na sabi ni Hanamichi.

Ngunit hindi lang nila pinansin si Hanamichi sa halip ay agad nilang nilantakan ang tatlong cupcakes sa mesa.

"HOY!!!" sigaw ni Hanamichi sa kanila pero huli na ang lahat dahil mabilis yung nalamon ng triplets.

Parang maiiyak si Hanamichi dahil para kay Haruko ang mga cupcakes na yun at hindi sa mga bakulaw na tulad nila.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now