CHAPTER 177: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

479 41 7
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 177: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-1st quarter| 11 mins. 34 sec|
Tokyo Team: 19 | Skopje Team: 22]

Tila nga bang naging banta si Hanamichi Sakuragi para kay Coach Gedjuttel. Hindi niya kayang basahin ang mga susunod nitong galaw. Hindi niya maprediksyon.

Sa mga oras na ito ay tatlong puntos na  lang ang hahabulin ng Tokyo Team sa puntos ng kalaban. Tumalbog ang bola sa sahig na agad naman dinakma ni Ivanova at walang pasabi na idinribol.

(Dribbling...)

"Bilis, kilos!" Sigaw ni Bajrami bilang point guard ng kanilang line-up.

"Babagan sila." Simpleng sabi ni Fujima at hinarangan si Bajrami na kakapasok lang sa half court ng Skopje.

Si Ivanova ang may hawak sa bola, si Maki naman ang sumalubong sa kanya nang makapasok ito sa Skopje court. Ang Tokyo team naman ay solido sa kanilang depensa, hindi sila makakapayag napupuntos ang kuponan ng Skopje. 3 points na lang ang lamang nito at hindi na pwedeng umangat pa lalo na at patapos na ang unang sampong minuto ng laban.

Pagkalapit ni Maki kay Ivanova ay bigla nitong ipinasa ang bola kay Rajak na saktong tumatakbo. Binounce pass niya ito.

*PASS!*

Pagkasalo ni Rajak ay mabilis itong tumungo sa rebounding area, habang si Hanamichi ay nagmamatyag lamang sa kanya.

"Sige, Rajak! Ipasok mo yan! Huwag mong hayaan na mabigo ka ulit sa pulang buhok na yan!" Sigaw ni Coach Gedjuttel.

Nainis naman si Coach Kawarama nang marinig niya ang sigaw na yun. Tiningnan niya ng masama ang Coach ng Skopje.

"Ang ingay mo. Patumbahin kita dyan eh." Masungit na sabi ng Lolo.

Pagkalapit nga ni Rajak sa ilalim ng ring ay tumalon ito. Hindi nakalapit ang dalawang centro na sina Hitotsu at Jovanovska dahil parehong itong nagpupuwersahan na para bang ayaw payagan ang isa't-isa na makalapit sa ilalim ng ring at iasa na lamang ito sa mga pumupuntos na kasama.

Tumalon si Rajak sabay taas ng bola. Ganun din si Hanamichi.

"Wala yan!" Sigaw ni Hanamichi kanya.

"Ampogi mo naman." Biglang sabi ni Rajak na ikinangiwi ni Hanamichi. Bigla itong lumayo sa kanya na parang nandidiri sa sinabi.

*SHOOT!*

"WOAAAAAHHH!

AYOOOOOS!

GALING NG LAY-UP MO, RAJAK!" sigawan ng mga tao.

Samantala si Hanamichi ay nanayo ang mga balahibo sa tinuran ni Rajak. At pinagsisihan nito na nahayaan niyang pumuntos si Rajak.

Pagkababa ni Rajak sa sahig ay ngisi niyang tiningnan si Hanamichi. "Bakit ka umatras?"

"Tumahimik ka dyan! Kinilabutan ako sa sinabi mo!" Pasigaw na turan ni Hanamichi na ikinataka ng parehong kasamahan nila.

"Huh? Compliment lang naman yung sinabi ko ah? Hahahaha."

"Pweehhhh! Madaya ka! Ginamit mo yung kahinaan ko! Pinagsamantalahan mo!" Naiinis na sabi ni Hanamichi. Nahihiya siya.

Pero humagalpak lang nang tawa si Rajak animo'y gusto ang nangyari. "Sira, anong madaya sa sinabi ko?"

"Sinabihan mo'kong POGI habang pinipigilan kita! Madaya yun! Alam kong pogi ako pero hindi mo kailangang ipaglandakan sakin ng harap-harapan dahil nagiging kahinaan ko yun!" Kunwaring hingal na hingal si Hanamichi sa mga kataga niya.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon