CHAPTER 181: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

494 37 9
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 181: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-2nd quarter| 3 mins. 53 sec|
Tokyo Team: 45| Skopje Team: 40]

Maikling minuto na lang ang natitira sa 1st half. Sa halos tatlong minuto ay nakapagplano ang Skopje Team na bawiin ang lamang na scores ng Tokyo Team. Limang puntos pa ang kanilang hahabulin.

Ang bolang tinres ng Skopje ay agad kinuha ni Fujima at mabilis na dinribol palabas sa court ng Skopje Team. Sa saktong paglabas ni Fujima sa inner court ay binounce pass niya ang bola kay Sendoh.

*PASS!*

"Okay." Bulong na sabi ni Sendoh at siya amg nagpatuloy sa opensa.

Sa harapan niya ay nauna ang tatlong kasamahan nito na sina Maki, Hitotsu at Hanamichi.

"Sendoh, dito!" Sigaw ni Hanamichi na kanya namang binigyan ng atensiyon. Mag-isa lang si Hanamichi sa pwesto nito.

Inoverhead pass ni Sendoh ang bola sa kanya.

*PAKK!

Nagulat si Sendoh dahil sa biglaang sulpot ni Rajak at kasabay nun ang pagkuha nito sa bola na imbes palapit sana sa gawi ni Hanamichi.

"A-ang bilis." Tanging sabi nito habang nakatingin kay Rajak.

"Balik sa court!" Sigaw ni Rajak at agad pinangunahan ang opensa.

"Depensa!" Sigaw ni Coach Kawarama mula sa audience area.

Mabilis ang pagkakadribol ni Rajak papasok muli sa kanilang area. Ang kanyang mga kasamahan naman ay mas binilisan ang takbo para abangan sa unahan ang pasa niya.

Ang Tokyo Team naman ay hindi rin nagpadaig. Tinapatan nila ang bilis ng Skopje hanggang sa nakarating silang lahat sa outer area Skopje Court.

"Grabe, ang bibilis ng mga 'ito." Naiinis na bulong ni Rajak dahil pakiramdam niya mukhang sasagasaan siya ng nagkakarerang Tokyo Players.

"ANG BILIS NILA!

GRABE!

MAS MABILIS PA SA SKOPJE!"

 Nakatayo silang lahat sa outer area para sa baka sakaling opponent player na makapasok at mabilis na macorner lalo na't hawak nito ang bola.

Nasa parehong gilid si Hanamichi at Hitotsu. Sa harapan naman nila si Sendoh at Maki samantala sa free throw area ay nakatayo si Fujima.

Pagkapasok ni Rajak na kanilang half court ay sinalubong siya ni Sendoh. Pero agad niyang pinasa ang bola kay Nikolovski. Nang makita ni Sendoh yun ay agad siyang natungo dun. Akmang hihingiin ulit ni Rajak ng bola nang babagan siya ni Hitotsu.

"Ano?" Ngumisi si Rajak.

Parehong nasa gilid ang kamay nito para depensahan siya, siguradong hindi siya makakatanggap ng pasa.

Ang bola ay pinagpatuloy idribol ni Nikolovski pero napahinto siya nang makita niya ang isang kamay ni Sendoh na palapit sa bola. Kaya agad niyang pinatalbog paikot ang bola sa kanya para makaiwas kay Sendoh.

*PAKK!*

Nagulat si Nikolovski nang may pumalpal sa bola mula sa kanyang likuran.

"Si Sakuragi." Sambit niya.

Sabay kuha ni Hanamichi ang bola at nginisihan si Nikolovski.

"WOAAAAAHHH!

NAPALPAL SIYA NI SAKURAGI MULA SA LIKURAN!

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now