CHAPTER 139: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

560 39 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 139: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

*** Locker Room ***

Tinapos ni Hanamichi ang first half sa pamamagitan ng malakas na dunk. Pagkatapos nun ay nagkaroon sila ng ilang minutong break time. Ang parehong kuponan na Al Balqa at Tokyo ay nasa kanilang perspective locker room.

Ang mga media na sina Yayoi, Nakamura at Hikoichi ay naiwan sa court upang paghandaan ang second half. Samantala sina Coach Kawarama at ang apat na ungas ay kasalukuyang nasa locker room para kamustahin ang Tokyo Team.

"Maagang congrats sa inyo, Apo. Kayo ang lamang sa first half. Sana ganun din sa second half para manalo kayo." Nakangiting sabi ni Coach Kawarama.

"Oo nga Hanamichi. Ang galing ng ginawa mo!" Puri din ni Mito.

"Sana yabangan mo pa sa second half ah?" Sabat ni Takamiya at nagtawanan naman sina Ohkusu at Noma.

"Grrrrrr... Imbes na purihin niyo ako nang-aasar pa talaga." Masungit na sagot ni Hanamichi.

Nakaupo silang lahat sa bangko. Lahat may malinis na bimpo at hydrated drink para mapanatili ang kanilang mga lakas. Si Haruko at Mari naman parehong dala ang kanilang mga blue book. Sa isang kamay ni Haruko ay may hawak itong mini aid kit.

Lumapit siya kay Hanamichi. "Sakuragi, patingin nga sa mga braso mo. Baka may gasgas. Bumagsak ka pa naman kanina sa sahig." Sabi ni Haruko at umupo sa tabi nito.

Tiningnan ni Hanamichi ng kanyang parehong braso pero wala siyang nakita niisa dun. Nakasuot ng black T-shirt si Hanamichi habang ang jersey uniform nito ay pansamantalang nakasampay sa gilid.

"Wala naman akong gasgas o ano Haruko. Hehehe salamat sa pag-aalala ah?" Kinikilig na sagot ni Hanamichi.

Tumango-tango si Haruko. "Normal lang sakin ang mag-alala para sayo, Sakuragi. Ganun ka kahalaga sakin." Ngumiti si Haruko.

Pakiramdam ni Hanamichi uminit ang mukha niya. Agad siyang tumalikod kay Haruko at hinawakan niya ang magkabilang pingi.

Ano baaaaa... Kinikilig ako sayo Myloves.

"Hehehe salamat ulit, Myloves. Mabuti na lang talaga at nandito ka parin abroad." Hinawakan ni Hanamichi ng kamay ni Haruko at hinalikan yun. Tiningnan niya ng seryoso si Haruko. "Salamat at magpakahanggang ngayon ay sinusuportahan mo parin ko, Haruko. Ikaw ang buhay ko."

Hindi nakapagsalita si Haruko sa mga matalinghagang salita ni Hanamichi. Nahihiya siya. Hindi niya alam kung anong isasagot niya. Sa halip ay hinaplos niya ang mukha ni Hanamichi at ngumiti na lang.

Samantala si Mari ay hinatiran niya ang triplets ng tatlong inhaler. "Oy Triplets! Baka kailangan niyo 'to?"

Napatingin ang Triplets sa hawak niyang inhalers.

"Wala kaming hika o asthma, Ate Mari." Sabi ni Hitotsu sa kanya.

"Huh? Pero hindi lang 'to para sa may mga asma o ano. Makakatulong 'to para marefresh yung paghinga niyo. Lalo kana Hitotsu. Buong first half ka naglaro." Binigay niya kay Hitotsu ang isang inhaler. "Wag nang makulit, kunin niyo nang tatlo."

Si Coach Kawarama at Coach Zakusa ay sabay nilang tinignan ng blue book nina Haruko at Mari.

"Hindi ko akalain na marami pa palang reserba ang Al Balqa. Pero bakit hindi pa nila ipinasok?" Takang tanong ni Coach Kawarama.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now