CHAPTER 176: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

516 46 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 176: TOKYO vs. SKOPJE (North Macedonia)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-1st quarter| 13 mins. 27 sec|
Tokyo Team: 15 | Skopje Team: 19]

Apat na puntos na nga lang ang hahabulin ng Tokyo team sa puntos ng Skopje. Nakahabol sila dahil sa dalawang sunod-sunod na 3 point shot na ginawa nina Fujima at Hanamichi.

May panandaliang tuwa ang naramdaman ng Tokyo Team saka pinagpatuloy ang laro.

Ang bolang tumalbog sa sahig ay hawak na ni Jovanovska. Pinatalbog niya ito. Ang apat niyang kasamahan ay naunang tumakbo sa kanya palabas ng court ng Tokyo.

"Depensahan sila! Hahabol pa tayo!" Sigaw ni Fujima sa mga kasamahan.

"Tara, Team. Puntos!" Nakaismid na sabi din ni Bajrami habang nakataas ang isang hintuturo nito.

Dinribol ni Jovanovska ang bola palabas ng court ng Tokyo hanggang nakasalubong nito ang kanyang Teammates at doon ipinasa ang bola.

*PASS!*

Hawak ni Bajrami ang bola. Mabilis ang pagdidribol nito kaya agad silang nakarating sa half court ng Skopje Team kung saan nakatayo ang depensa ng Tokyo Team. Tumungo si Bajrami sa left 3 point area ng kanilang court, pero sa isang kurap lamang ay nakita niya na agad si Fujima na nasa kanyang harapan.

Nagsitayuan ang mga balahibo ni Bajrami dahil doon. "Ang bilis."

*PAKK!*

"Okay! Nice interception, Fujima!" Cheer ni Mari sa kanya.

Agad nilipat ni Fujima ang bola sa kaliwang kamay niya at agad nagdribol palayo kay Bajrami.

(Dribbling...)

"Hindi maari. Natatapatan nila ang bilis ng mga manlalaro ko." Sabi ni Coach Gedjuttel sa kanyang isipan.

Totoo nga ang kataga ni Coach Gedjuttel. Talaga ngang mabilis ang kilos ni Fujima, at hindi lang si Fujima--- kundi pati rin ang mga kasamahan nito na sina Maki, Sendoh, Hitotsu at Sakuragi.

Palipat-lipat ng tingin si Jovanovska dahil hindi nila akalain na kasing bilis na nila ang kasalukuyang line-up ng Tokyo Team.

Dinribol ni Fujima ang bola palayo sa outer area ng Skopje. At bago pa lang makalapit sa division line at kay Sendoh niya ipinasa ang bola bago paman siya harangan muli ni Bajrami na nakasunod na agad sa kanyang likuran.

*PASS!*

"Okay." Bulong ni Sendoh nang masalo niya ang pasa ni Fujima.

Siya ang nagpatuloy sa opensa. Sa pagpasok niya sa court ng Tokyo Team ay pinuntirya niya ang outer court upang makagawa ulit ng tres. Sa saktong paglapit palang ni Sendoh sa outer free throw area ay shinoot na agad ang bola.

(Shooting...)

*PAKK!*

Napatikom ng bibig si Sendoh nang makita niya ang nakakabighaning palpal ni Nikolovski sa ere. Ang ginawa nito sa bola ay katulad na ginawa noon ni Hanamichi sa Paris Team. Isang Straight down blocked, may hinalang bumuo sa isipan ni Sendoh--- baka sa Skopje Team talaga nagmula ang Reflexes ni Hanamichi Sakuragi.

"Nababaliw na ata ako." Bulong ni Sendoh at napailing.

Ang bolang inistraight down blocked ni Nikolovski ay tumalbog palayo sa sahig. Pero laking gulat nila nang makuha yun ni Maki at tuloy-tuloy na idinribol palapit sa ring hanggang sa tagumpay nitong nagawa ang lay-up shot.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now