CHAPTER 145: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

772 38 21
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 145: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa nangyari kay Hanamichi ay siya namang pagtapos ng 3rd quarter. Ito na ang ikatlong beses na lamang parin ang Tokyo Team sa Quarter. Ang kasalukuyang puntos ng bawat kuponan ay 60 points para sa Tokyo Team at 41 points naman sa Al Balqa. Sampung minuto na lang ang natitira sa first half. Konting minuto na lang at ito ang tamang oras para mas lalong lampasuhin ang kuponan ng Al Balqa.

Si Coach Zakusa at Fujima ay hindi natutuwa sa dahas na laro ni Al Hourani. Iba na ang klase nito sa laro kumpara nung first half tila bang lampa, pero ang totoo ay tinatagurian pala itong Grim Reaper ng Court. At isa sa nagpadadag ng kanilang kaalaman tungkol kay Al Hourani ay tatlo pala sa players ng Georgia ang pinalanding nito sa ospital dahil sa matinding injury.

Pero pagdating kay Hanamichi. Ay nagalusan niya lang ang gilid ng mata nito imbes na tadtarin ng injury. Tinuturing ni Al Hourani si Hanamichi bilang malaking banta sa Al Balqa at magpapatuloy ito kapag hindi niya ito mapatalsik sa court.

Pero ang ikinataka ni Al Hourani ay ang substitute player na ipinasok ng Tokyo Team. Si El Maghraby naman ay natigilan. Ito yung player na tinutukan niya kanina.

"Ikaw..." Bulong ni El Maghraby at tiningnan niya ang jersey name nito. "Si Fujima."

Lumingon si Fujima kay El Maghraby, normal lang ang ekspresiyon nito.

"Sa wakas at ipinasok ka rin." Sabi ni El Maghraby sa kanya.

"Hinintay mo pala ako?" Tanong ni Fujima.

Mahinang tumawa si Al Hourani. "Hahahaha! Nagbibiro ba ang Tokyo Team? Hindi ito ang oras para makipaglaro. At ikaw pa talaga?" Tinuro niya si Fujima habang tumatawa. "Ang pandak-pandak mo. Sigurado ka bang kaya mo? Baka gusto mong matulad kay Sakuragi, ano Fujima?"

Tumaas ang isang kilay ni Fujima kalaunay napalitan ito ng ngiti. "Oo... Kaya ako ang magbabantay sayo."

Natigilan si El Maghraby at Al Hourani.

"Anong sabi mo?" Al Hourani

"Ako ang magbabantay sayo. Gusto kong gawin mo rin sakin yung ginawa mo sa Power Forward naming si Sakuragi." Sagot ni Fujima.

Muling tumawa si Al Hourani at napatabon ng mukha. Huminga siya ng malalim at binalikan ng tingin si Fujima.

"Kung yan ang gusto mo. Pagbibigyan kita... Vice Captain Fujima." Ngumisi si Al Hourani.

Dahil sa nagawang foul kanina ni Al Hourani ang bola ay mapupunta sa Tokyo Team. Nag-apiran muna sina Fujima, Hanagata, Maki, Sendoh at Futatsu. Saka kinuha ang bola at pinatalbog ito.

Pumito ang Referee, itutuloy na nila ang laro. Sampung minuto na lang at matatapos na ang laban. Nakatayo ang lahat sa middle area ng court. Hawak ni Hanagata ang bola. Pinatalbog niya ito. Ang Al Balqa Team naman ay naghanda ng depensa. Paatras silang naglakad hanggang sa division line ng Tokyo Team.

(Bouncing...)

Tumayo si Hanamichi sa pagkakaupo at sumigaw. "LAMPASUHIN NIYO SILA!"

"TOKYOOOOOOOO!

FIGHT OH!

FIGHT OH!

FIGHT OH!" Cheer nila.

Dinribol ni Hanagata ang bola hanggang sa makalapit sila sa sa division line at nakapasok ng Tokyo Team half court. Ang Al Balqa Players naman ay nagsikalat sa court para pigilan ang kanilang opensa. Mabilis ang pagdribol ni Hanagata at tumungo ito sa. Gilid ng inner line. Humarang sa harapan niya si Jabour kaya pinasa niya agad ang bola.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now