CHAPTER 133: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

490 31 9
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 133: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Dahil sa mabilis na dunk ni Khader ay sa wakas ay umangat ang kanilang puntos. Ang kasalukuyang puntos nila ay 15 score.

Natapos na ang first quarter. Lamang ang Tokyo Team sa kanila. Para kay Coach Al Sharafat ay ito ang unang beses na mababa ang score nila sa 1st quarter.

Ngayon ay 2nd quarter na.

Dahil ang Al Balqa Team ang huling nakapuntos. Ay mapupunta sa Tokyo Team ang bola.

Pumito ang Referee.

Nakapukos ang lahat sa laro. Lalo na sa dalawang numero dyes na sina Hanamichi at Khader.

Pinatalbog ni Kiyota ang bola.

(Boucing...)

*Pass!*

Pinasa niya ito kay Sendoh. Agad naman silang nagsitakbuhan palabas ng half court ng Al Balqa. Dinribol ni Sendoh ang bola. Awtomatikong dumaan sa division line. Pagkalagpas niya ay nag bounce pass siya kay Hitotsu na libreng nakarating sa free throw area.

Pagpasok nilang lahat sa half court ng Tokyo ay biglang naging maghigpit ang depensa ng Al Balqa. Ang bolang hawak ni Hitotsu ay akmang aagawin ni Al Hourani nang iniwas niya ito. Nakukulitan siya sa mga kamay nito dahil patuloy paring inaabot ang bola. Napatingin si Hitotsu sa kanyang likod at nandoon si Maki. Nagback pass siya.

*Pak!*

Nanlaki ang mga mata niya dahil ang kanyang pasa ay hindi napunta kay Maki sa halip kay Khader.

"Nice Interception, Khader!" Sigaw ni Coach Al Sharafat.

Agad bumalik si Khader sa half court ng Al Balqa para pumuntos. Nasa kanila na naman ang opensa. Hinabol siya ni Hanamichi.

Bago pa lang pumasok si Khader pero hindi na siya agad nagustuhan ni Hanamichi. Nayayabangan siya kahit silent player 'to.

Pagkapasok ni Khader sa kanilang half-court ay mas binilisan pa ni Hanamichi ang kanyang takbo. Medyo nagulat si Khader sa kanya dahil sa kanyang bilis. Pagkarating nito sa free throw area ay napahinto siya dahil nakababag si Hanamichi sa kanya.

"Tignan natin kung makakapuntos ka ulit." Wika ni Hanamichi sa kanya.

*Pass!*

"Ano!" Hanamichi

Ang bolang hawak ni Khader ay pinasa niya kay El Maghraby na nasa shooting guard area.

*Shoot!*

Naghiyawan ng malakas ang Al Balqa Audience.

"AYOOOOOS! TRES YUN AH!

ANG GALING NG PASA MO KHADER!

NICE SHOT EL MAGHRABY!" cheer nila.

Nagtaka si Hanamichi kung bakit nakarating agad si El Maghraby sa gawing yun. Tiningnan niya si Sendoh. Nakita niyang hinarangan 'to nina Najjar at Al Hourani, samantala si Maki ay si Al Jayarat.

Dahil sa tres ni El Maghraby ay dagdag puntos na naman para sa kanilang Team. Ang kaninang 15 points ay naging 18 na. 6 points na lang ang kanilang hahabulin mula sa puntos ng Tokyo Team. Matapos maishot ang bola ay agad silang nagsiatrasan para depensahan ang opensa ng Tokyo Team.

Pumalakpak si Coach Al Sharafat. "Magaling... Ang isa sa mahuhusay na Tandem ng Al Balqa Team. Si El Maghraby at Khader." Sabi niya.

"Ang galing. Agad tayong nakahabol dahil kay Khader. Sana ipagpatuloy nila yan." Ngumiti si Rofia.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now