CHAPTER 120:

732 40 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 120:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Kinabukasan...

Ang triplets ay nakatayo sa court habang nakatingin kay Hanamichi na masayang nakikipag-usap kay Haruko. Nagbulungan silang tatlo.

"Ano mga Tol, ayain natin?" Tanong ni Hitotsu.

"Hindi naman masama ang gagawin natin diba? Gusto lang natin siyang makitang maglaro." Sagot ni Futatsu.

"Ewan ko sa inyo... Ako na nga ang mag-aya." Masungit na sabi ni Mittsu sa kanyang mga kambal saka sumigaw.

"Yow! Sakuragi! Tara laro tayo!"

Sabay napatingin si Haruko at Hanamichi sa kanya. Sinundot ni Haruko si Hanamichi.

"Sige na, Sakuragi. Makipagpraktis ka muna sa newbies."

"Sure ka myloves?"

"Oo, sige na. Manonood ako." Ngumiti si Haruko sa kanya.

Ngumiti din pabalik si Hanamichi. Pagkalingon niya sa triplets ay naging busangot ito. Nilapitan niya ang tatlo.

"Anong problema niyo mga kolokoy kayo? Hindi niyo ba nakikita na busy ako?" Masungit niyang tanong sa tatlo.

Samantala ang Triplets nakangisi lang with peace sign.

"Pasintabi muna ang lablayp Tol, maaga pa oh." Kunwari tiningnan ni Hitotsu ang oras sa wrist niya kahit wala namang suot.

"Grrrrr... Kunwari pa kayong tatlo. Mga istorbo."

"HAHAHAHA!" tumawa lang yung tatlo.

Sakto namang dumating ang apat na ungas. Nakatayo silang apat sa ikalawang palapag ng railings kasama si Fujii at Mutsui.

Ang 3rd year at 4th years naman ay nagpapraktis. 3 on 3, Maki, Hanagata, Fujima laban kina Sendoh, Jin at Fukuda. Samantala ang mga 2nd years na sina Hanamichi, Kiyota at Ikegami ay kasalukuyang kaharap ang mga 1st years triplets na sina Hitotsu, Futatsu at Mittsu. Makikipag 3 on 3 din sila.

Samantala si Mari at Haruko ay parehong minomonitor ang laban. Si Mari ay sa mga 3rd vs 4th years at si Haruko naman sa 1st vs 2nd years.

Bago pa man sila magsimula ay tinawag ni Mari ang apat na ungas.

"HOYYY KAYONG APAT!"

"Bakit po Ate Mari?" Sagot ni Mito.

"Bumaba kayong apat dito, need namin ng Referee at scorer!" Sabi nito.

"K-kami?--- aba sige ba!" Ngumisi si Mito at ang tatlong kasama pa nito at dali-dali silang bumaba.

Si Mito ang naging Referee at si Takamiya naman ang scorer sa court nina Hanamichi samantala si Ohkusu naman ang Referee at si Noma ang scorer sa court kina Sendoh.

"Paano naman tayo?" Tanong ni Fujii.

"Tayo ata ang taga cheer." Sagot ni Mutsui.

"Ahh basta dun ako machecheer sa 1st vs 2nd years." Sabi agad ni Fujii.

"As if naman dun ako sa mga seniors magchecheer, nakakahiya." Mutsui.

Bitbit ni Mito ang isang bola at naglakad sa gitna sa pagitan ng 1st years Centers at 2nd years Forwards.

Ngumisi si Kiyota. "3 on 3 pala ah..."

Samantala si Ikegami ay tahimik lang na nakatingin sa triplets.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now