CHAPTER 146: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

630 36 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 146: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

2 minutes na lang ang natitira sa second-half. Ang muling pinaresbak si Hanamichi. Ang pagpasok ni Fujima sa court ay talagang nakatulong upang mas turuan ng leksyon ang laro ng Al Balqa. Buo ang loob ng Tokyo na talunin sila.

Magkatabing nakaupo sa bangko si Jin at Kiyota na parehong nakatuon sa court.

"2 minutes na lang at magtatapos na ang laro..." panimula ni Kiyota sa usapan.

Pero nakatingin lang si Jin sa court.

"Nasa loob na sina Maki, Fujima, Sendoh, Hanagata at Sakuragi. Sigurado na ang tagumpay ng ating unang laban sa Intercollegiate." sagot ni Jin.

Samantala ang Al Balqa Team ay wala nang magagawa para habulin pa ang puntos ng kalaban. Napakaikling oras na lang ang natitira. Imposible na nilang malamangan ito. Kaya sa pagkakataong ito ay wala na silang ibang gagawin kundi sulitin ng maikling oras nilang natitira sa Intercollegiate.

Muling pumalakpak si Al Jayarat. "Eenjoy natin ang laban, Team." Ngumiti ito sa mga kasamahan niya.

Ngumiti din sila El Maghraby pati na rin ang iba. Hinanda na nila ng depensa.

"ABA! TIGNAN NIYO! BUMALIK NA ULIT SA COURT ANG PULANG-BUHOK NA YUN!

OO NGA NOH?

SA WAKAS!

SIYA TALAGA ANG HINIHINTAY KO!

NAGBABALIK ANG REDHORSEEEEEE!" sigawan ng mga manonood.

Samantala sa Coaching Box ng Al Balqa Team. Si Coach Al Sharafat ay huminga na lang ng malalim. Wala nang pag-asa na mabaliktad pa ang takbo ng laro lalo na at nagbalik na ang player na pinangalanan niyang BANTA.

"Si Sakuragi. Bumalik na sa court." Bulong niya. "Ang lakas talaga nila. Hindi namin inakala na ganito pala ang taglay ng Tokyo Team ng bansang Japan. Si Hanamichi... Siya na ang pangalawang Sakuragi na pula ang buhok na nakilala ko." May kunting ngiti sa mukha ni Coach Al Sharafat nang maalala niya ang mukha ni Coach Kawarama nung kabataan nila. "Kasing yabang mo ang isang Sakuragi na ito Kawarama..."

Ang ibang players ng Al Balqa Team ay naghahabol ng hininga maliban kay Al Jayarat na nakatingin kay Hanamichi.

"Bumalik ka rin sa wakas." sabi niya dito.

Nginisihan lang siya ni Hanamichi. "Pareho lang tayo uyy."

"Hmmp." Al Jayarat

Pinatalbog ni Fujima ang bola. Isa-isa niyang tiningnan ang kanyang mga kasamahan. Dalawang minuto na lang at tatapusin na nila ang laro. Pinasa niya ang bola kay Sendoh.

*Pass!*

Sa saktong pagsalo ni Sendoh ay mabilis nagsikilos sina Maki, Hanagata at Hanamichi. Mabilis silang tumakbo patungo sa gawi ng half court ng Tokyo Team. Habang nagdidribol si Sendoh ay hinarangan siya ni El Maghraby.

*Pass!*

"Ang bilis ng pasa." Sabi sa isip ni El Maghraby.

Ang bola ay nasalo ni Maki. Nakarating silang lahat sa half court ng Tokyo Team. At apat sa bakanteng players ng Al Balqa Team ay hindi na napigilan si Hanamichi. Mabilis na nakarating sa rebounding area si Hanamichi at binounce pass ni Maki sa kanya ang bola.

*Pass!*

"Babagan niyo si Sakuragi!" Sigaw ni Al Jayarat sa mga kasamahan.

Agad pinuntahan nina Khader, Jabour at Khalifa si Hanamichi. Mabilis ang kanilang takbo upang pigilan ito pero sadyang mas mabilis sa kanila si Hanamichi. Itinaas niya ang bola na nasa kanyang kanang kamay at inilapit niya ito sa ibabaw ng ring at binitawan na parang ilalagay lang.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now