CHAPTER 134: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

628 40 16
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 134: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

9 minutes na lang ang natitira sa first half. Diniscuss lahat ni Coach Zakusa ang magiging galaw ng Tokyo Team sa opensa at depensa para mahanapan nila ng butas sina El Maghraby at Khader.

Habang nagsasalita siya ay seryosong nakikinig sina Maki at ang iba pa sa kanya. Tumango sila sa bawat kataga nito.

"Nakuha niyo ba?" Tanong ni Coach Zakusa sa kanila. Tumango sila.

"Oo. Naintindihan namin." Sagot ni Maki at Kiyota.

"Hitotsu at Sakuragi. Kayo ang magiging tore, hindi kasali si Sendoh dahil magpupukos siya sa opensa at puntos." Sabi niya at tiningnan si Sendoh pero wala pala ito sa tabi nila. "Teka, nasaan si Sendoh?"

Hinanap niya si Sendoh at nakita niya itong nakikipagchismisan kay Jin.

"Ano kaba? Bumalik ka dun, kapag nahuli ka niyang hindi nakikinig siguradong lagot ka." Suway ni Jin sa kanya.

"Uyy nag-aalala kaba sa'kin Jin?"

"Dream on. Mas matutuwa pa nga ako dun."

"Basted ka daw sabi ni Olivia."

"Basted ka rin kay Ms. Yayoi."

"Hindi yun---" hindi natuloy ang sasabihin ni Sendoh nang hampasin siya ni Coach Zakusa ng papel sa ulo.

*Pok!*

"Kanina pa ako dada ng dada hindi ka lang pala nakikinig?" Sermon ni Coach Zakusa sa kanya.

"Sumasakit pa kase yung tenga ko sa sigaw mo kanina." Rason ni Sendoh.

"Ay aba--- atleast man lang ba may narinig ka sa mga sinabi ko?" Tanong ng Coach sa kanya.

Pero ngumiti lang si Sendoh at kinamot ang ulo. "Ano nga ulit yun hehe?"

"Gunggong ka talaga!" Sigaw ni Coach Zakusa at akmang sasapukin ulit si Sendoh nang tumunog ulit ang time buzz. Tapos na ang time-out.

Hinilot ni Coach Zakusa ang kanyang sentido. Lumingon si Maki sa kanya bago ito naglakad. Napatigil din si Hitotsu na nasa gitna nila.

"Huwag ka nang mag-alala kay Sendoh, Coach. Kahit hindi mo sabihin sa kanya ang plano, alam niya ang ginagawa niya." Ngumiti si Maki sa kanya.

Napabuga ng hangin si Coach Zakusa. "Oo, alam ko. May tiwala naman ako sa galing niya. Nakakainis lang dahil magpakahanggang ngayon ay hindi parin siya seryoso. Parang katuwaan lang ang lahat sa kanya. Kailan ba seseryoso? Yung lugmok na ang Team?"

"Hayaan mo na siya. Siguro wala sa Al Balqa ang mga type niyang kalaban." Sagot ulit ni Maki at naglakad na papasok.

Pumito ang Referee.

Si Hanamichi, Kiyota, Maki at Sendoh ay pumwesto sa harapan. Samantala si Hitotsu na nasa kanilang likuran ay iniisip parin ang mga narinig niya kina Maki at Coach Zakusa.

Tiningnan niya si Sendoh. Nakangiti ito habang nakikipag-usap kay Maki.

"Gusto kong makita ang totoong galing mo, Kuya Sendoh. Pero kailan kaya yun?" Tanging tanong niya.

Binigay ng Referee ang bola sa kanila. Hawak yun ni Sendoh. Pinatalbog niya ito palapit kay Hanamichi.

"Ano nga ulit yung sinabi ni Zakusa?" Tanong niya dito.

Parang gusto siyang upakan ni Hanamichi sa tanong niya. "Hahanapan lang daw natin ng butas sina El Maghraby at Khader." Sagot nito.

"Ahh, paghiwalayin natin sila? Mag jowa ba sila?"

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now