CHAPTER 165: TOKYO vs. PARIS (France)

525 43 9
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 165: TOKYO vs. PARIS (France)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[2nd half-3rd quarter| 15 mins. 31 sec|
Paris Team: 55 | Tokyo Team: 55]

Patuloy parin ang mga hiyawan ng mga tao nang naging pantay ang score ng parehong kuponan. Halos labin limang minuto na lang ang natitira. Sina Coach Kawarama, ang apat na ungas pati na ang buong myembro ng Tokyo Black Samuraiz ay nakaramdam na ng kaba at alinlangan.

"Lagot. Nakahabol sila." Bulong ni Jin.

"Ayos lang yan basta huwag lang silang makalamang. Kahit magkadikit pa ang mga puntos. Dapat sa kaduluhan ng labang ito ay tayo parin ang lamang at mananalo." Sabi ni Coach Zakusa sa kanya at sumenyas sa Referee.

Tumango ito at pumito.

(Pumito...)

"CHARGED TIME-OUT! TOKYO BLACK SAMURIAZ!" anunsyo nito.

Napatingin sina Hanamichi, Maki at Sendoh sa kanilang Coaching Box.

Samantala si Coach Vilgauxe ay pinaypayan ang sarili at ismid na sumandal sa upuan. "Mabuti naman at naisipan niyo nang tumawag ng time out? Kabahan na kayo Tokyo Team."

Hinilot ni Hanamichi ang leeg niya saka sila naglakad patungo sa Coaching Area. Tumayo si Coach Zakusa sa pagkaupo at sinalubong ang lima. Wala na siyang aaksayahing oras, kinuha niya agad ang maliit na board ng court at nagpahayag agad ng magiging opensa.

"Makinig kayo, wala na tayong sasaying oras. Seryosohin na natin ito. Sendoh at Fukuda kayo ang magfofocus sa score. Maki, Hitotsu at Sakuragi, palakasin niyo ang depensa. At kapag hawak niyo ang bola ay wag kayong magdalawang isip na tumira agad kahit sasablay pa yan. At kapag nangyari yun..." Pinakita niya ang illustration at settings ng opensa, depensa at covers. "Kapag si Sakuragi ang titira specially sa long range area ang setting niyo ganito--- dito sa underneath kung saan dadaan ang bola, sa ilalim ay magbabantay kayo dito Fukuda at Sendoh, harangan niyo ang mga baka sakaling interceptions ng kalaban. Sa posible rebound naman ay sina Maki at Hitotsu. Hitotsu, ikaw ang kukuha--- Maki, ikaw ang magiging pader ni Hitotsu para walang reboundant ang makalapit sa kanya." Paliwanag ni Coach Zakusa sa kanila.

"Okay, naintindihan namin." Sagot nila.

"Summarized na iyon para sa mga non standard shooter na katulad nina Sakuragi at Hitotsu. Pero para sa mga tulad niyo Maki, Sendoh at Fukuda--- don't hesitate to do a shot. Big deal ang shooting skills niyo. In case for the interceptions na katulad ni Cadieux na almost nirorole na ang position sa court... Sakuragi---" tawag ni Coach Zakusa kanya. Napanguso si Hanamichi doon.

"Pigilan mo si Cadieux kung maari lang--- pigilan mo siyang makalapit sa mga shooter natin. Ikaw lang ang may kayang pumigil sa kanya. Iba na ang estilo ni Cadieux ngayon, mabilis at matulin na siya kung gumalaw unlike earlier. Ikaw lang ang makakapigil sa kanya and I bet it until the game is over. Naintindihan mo ba Sakuragi?" Tanong ulit nito.

Walang kahit anong naging salita si Hanamichi mula sa kanyang narinig. Tumango ito bilang sagot. Sumasang-ayon siya sa plano.

Pagkatapos ng usaping iyon ay saktong natapos ang minuto para sa time out.

(Pumito...)

"Galingan niyo." Tanging sabi ni Coach Zakusa at bumalik sa pagkakaupo.

Hinarap ni Hanamichi ang court at napahilot ng mga braso at kamay. Malaki ang magiging role niya sa pagkakataong ito. Si Cadieux na Ace Player-MVP ay ipinagkatiwala ni Coach, Zakusa sa kanya. Kung ganun parang sinasabi nito na tanging si Hanamichi Sakuragi lang ang may kakayahang tumapat sa Berdeng Ahas ng Paris Team.

"Hindi ko kayo bibiguin." Bulong ni Hanamichi.

Pagbalik nila sa court ay binigay ng Referee sa kanila ang bola. Hawak yun ni Maki.

(Bouncing...)

Ang Paris Team naman ay tila fresh parin ang mga isipan maliban kay Cadieux na mentally tempered na sa Tokyo Team. Naging presko ang kanilang mga isipan dahil sa kasalukuyang puntos pero halata na sa mga hitsura nila ang pagod at paghabol ng hininga.

Walang pasabing sinimulan agad ni Maki ang opensa.

Dinribol niya ang bola palapit sa court ng Tokyo Team kung saan nakapensa sa gawing iyon ang mga Paris Players. Pagkapasok ni Maki ay agad siyang binabagan ni Ozanne pero binounce pass agad nito ang bola kay Fukuda.

*PASS!*

Pagkasalo nito ay dinribol niya ito at madaling nakalapit sa ilalim ng ring saka tumalon upang gawin ang lay-up shot. Subalit lumantad mula sa kanyang kaliwang gawi ang kamay ni Marshall para palpalin ang kanyang tira. Pero bago pa man makapasok sa ring ang bola ay pinasa niya ito patalikod na saktong palapit sa kamay ni Sendoh.

*PASS!*

Nang masalo ni Sendoh ay tumira agad ito ng jumpshot.

*SHOOT!*

Naghiyawan ang mga manonood nang muling nakapuntos ang Tokyo Team. Dahil kay Sendoh ay lamang ulit sa puntos ang kanilang kuponan.

[2nd half-3rd quarter| 15 mins. 2 sec|
Paris Team: 55 | Tokyo Team: 57]

Nag-apiran sila ni Fukuda saka tumakbo paatras tungo sa Paris court.

Pagkashoot ng bola ay agad namang kinuha yun ni Marshall at sinimulan ang opensa. Ang Tokyo Team naman ay naghanda ng depensa. Naharang ang tatlo sa kanila sa outer area line samantala sa inner area ay sina Hitotsu at Hanamichi. Dinribol ni Marshall ang bola papuntang 3 point area ng Paris court, pagdating doon ay akmang ishoshoot niya ang bola nang lumantad sa harapan niya si Fukuda pero iniwas niya lang paibaba ang bola at shinoot.

Pero agad nakabalik sa porma si Fukuda at tinalon ang bola upang matamaan.

*PAKK!*

"Rebound." Simpleng sabi ni Fukuda at pagbaba sa sahig ay patalikod niyang binabagan si Marshall.

Ang lahat ay nakahangad sa bola na palapit sa ring. Si Solevenn at Sauveterre ay agad na sumulong sa rebounding area para kunin ang rebound. Si Hanamichi at Hitotsu naman ay nauna na pala doon. Nagharap silang apat, nagtinginan naman sina Sendoh at Cadieux na tila iisa lang ang iniisip.

Ang rumesbak.

Paglapit ng bola ay tumama ito sa back board bago tumalbog sa gilid ng ring. Nakahangad silang lahat, pasulong palang sina Solevenn at  Sauveterre ay akmang tatalon nang harapin sila ni Hanamichi na may malapad na depensa. Huminto ang dalawa dahil kay Hanamichi.

Palipat-lipat ng tingin si Cadieux nang makita niyang nablock ang dalawa kahit si Hanamichi lang mag-isa. Dalawang Paris 2 meter player laban kay Hanamichi.

Nasa ere ang bola at tagumpay yong nadakma ni Hitotsu.

*PAKK!*

Nang makuha ni Hitotsu ay hinagis niya iyon pagawi kay Maki na nasa outer area subalit na air blocked yun ni Cadieux mula sa free throw area at binaba kasama sa paglanding nito saka shinoot.

*SHOOT!*

"AYOOOOOOOOSSS!

PANTAY NA NAMAN ANG SCORE!"

[2nd half-3rd quarter| 14 mins. 22 sec|
Paris Team: 57 | Tokyo Team: 57]

Napayukom ng kamao si Hanamichi.

Nakapuntos na naman si Cadieux, ang player na responsibilidad nyang bantayan pero hindi niya nagawa. Tiningnan niya si Solevenn at Sauveterre na nanatili parin sa tinatayuan nila.

Kung ganun...

Binaliktad ng Paris Team ang plano nila. Sinadya nina Solevenn at Sauveterre na magpacorner kay Hanamichi upang makakilos itong si Cadieux at hindi makaalis sa pwesto niya.

"Bwisit!" Pinadyak ni Hanamichi ang isa paa niya sa sahig. "Tibaaaaaaayyyyy!"

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

Author's Note: Don't forget to VOTE mga Lods! Salamat. 💖

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now