CHAPTER 143: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

637 49 23
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 143: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nakapatong parin ang tatlong player kay Futatsu. Nabibigatan siya sa mga 'to. Hindi siya makahinga. Parang mamamatay siya. Dahil sa may taglay na lakas si Futatsu at bumalikwas siya ng bangon dahilan para maalis sa pagkakapatong sa kanya ang tatlo.

Nabunggo naman sa sahig si Hanamichi. "ARAY! Dos naman! Ang sakit nun!" Bulyaw niya kay Futatsu.

"Mas masakit sakin kase tatlo kayong nakadagan!" Maktol nito.

Tumayo naman sina Jabour at Khader saka pinagpagan ang sarili. Tiningnan nila ng masama si Hanamichi.

"Balak mo atang injurihan kami?" Jabour

"Nananadya ka talaga, Sakuragi." Khader

"Hindi ko sinasadya yun!" Hanamichi

Pumito ang Referee. "Nasasayang niyo ang oras. Ituloy niyo na ang laro." Sabi nito sa kanila.

Yumuko naman si Hanamichi at Futatsu sa Referee at humingi ng pasensya. Tumaas ng isang kilay nina Jabour at Khader.

"Aba, barumbado pero may puso." Jabour

Dahil sa dunk ni Hanamichi laban sa dalawang Al Balqa players ay kasabay nga nito ang pagbagsak nila sa sahig. Pero dagdag puntos naman para sa Tokyo Team. Ang kaninang 50 points nila at ay ngayon naging 52 points na. Ang bolang mula sa pagkadakdak ni Hanamichi ay hawak ni Rashid. Pinatalbog niya ito sa kanyang tinatayuan at isa-isang tiningnan ang mga kasamahan. Nagsalita siya sa kanyang isipan.

"Pambihira. Habang tumatagal ay lumalakas ang laro ng Tokyo Team. Malaki ang pagkakaiba nila nung nakalaban namin ang Georgia."

14 minutes na lang ang natitira sa 2nd half 3rd quarter.

At ang mas malala pa para sa Al Balqa Team ay 13 points na ang lamang ng Tokyo Team. Binilisan niya ng pagpapatalbog sa bola saka pinasa kay Khalifa. Pagkasalo ni Khalifa ay mabilis agad nagsikilos ang mga kasamahan nito na sina El Maghraby, Jabour, Khader at Rashid. Mabilis nilang nilisan ng half court ng Tokyo Team. Pagkalagpas sa division line ay sinalubong ni Sendoh si Khalifa kaya pinasa nito ang bola kay El Maghraby.

*Pass!*

Sa saktong pagkasalo ni El Maghraby mula sa point guard area ay hindi niya namalayan si Maki na nakarating agad sa kanyang harapan sabay palo paalis sa pagkakahawak niya ang bola.

*Pak!*

"ANG BILIS! NAAGAW AGAD NUNG MAKI ANG BOLA MULA KAY EL MAGHRABY!

ANG BILIS NIYA!"

Tagumpay na naagaw ni Maki ang bola mula kay El Maghraby kaya mabilis niya itong dinribol pabalik ulit sa half court ng Tokyo Team.

"Fast Break!" Sigaw nito.

Mabilis namang sumunod sina Hanamichi, Hanagata, Sendoh at Futatsu kay Maki. Habang patagal ng patagal ay narealize ng Al Balqa Team na mas lalong bumibilis ang kilos ng Tokyo Team. Pakiramdam nila ay mga Top Players with high recognition ang individual players nito. Lalo na sina Maki, Sendoh at Sakuragi. Sa mga bangkong player naman ay wala pa silang hula kung gaano din kagaling ang mga ito.

Napatingin si El Maghraby sa bangko ng Tokyo Team. Isa-isa niyang tiningnan ang nakaupo dun na sina Mittsu, Hitotsu, Ikegami, Fukuda, Kiyota, Jin at Fujima. Napaisip si El Maghraby nang dumapo ang tingin niya kay Fujima.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now