CHAPTER 125: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

832 41 15
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 125: TOKYO vs. AL BALQA (Jordan)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Kinaumagahan ay bumyahe ang lahat sa Amman International Standium sa lokasyon ng AL Hussein Youth City ng Amman, Jordan. Ang standium na yun ang ang isa sa pinakasikat na tourist spot sa bansang Jordan at ginaganap ang iba't-ibang grandeng laban tulad ng basketball, Volleyball at iba pa.

Pagkarating nila ay namangha sila sa laki, lawak at ganda nito. May mga kasulatan pa dito na hindi nila mabasa. Ang mga Jordanians na manonood sa kanilang laban ay nakatingin sa kanila at ang iba pa ay nabubulungan at nagtatawanan.

"Iinahum wasimwn jidana... (Ang gagwapo nila...)" Bulong nung babae.

"Naeam fata... (Oo nga girl...) Bulong din nung isa.

(Ps: Ang lenggwaheng magagamit sa match na'to ay asahan niyong may ibang lenggwahe bukod sa english, pero isasalin ko na lang sa tagalog para maintindihan niyo.)

May lumapit naman sa kanila na isang Jordanian staff at yumuko sa kanila na ayon sa tradisyon na pagbati ng japanese.

"Marhaba, sabah al-khair kulu wahid...(Hello, magandang umaga sa inyo...) " Bati nito gamit ang salitang Jordanian Arabic. "Ako, si Esmael Mubakhar. Ako ang maghahatid sa inyo patungo sa lockeroom area." Pakilala nito na may tono ng arabic.

Tumango naman si Coach Zakusa sa kaniya. "Sige po, salamat."

Nagtataka ang mga Tokyo Players dahil napakatahimik ng Standium. Hindi na rin nila kasama ang Apat na Ungas dahil sumama ito kay Coach Kawarama para makahanap ng VIP chair para malapitan nilang mapanood ang laro.

*** L o c k e r r o o m ***

Pagkatapos silang ihatid ng staff ay magalang silang nagpasalamat bago sila nito iwanan.

Tanging si Coach Zakusa, Mari, Haruko at Tokyo Team Players na lang ang naiwan. Wala na silang sinayang na oras kaya agad na silang nagbihis ng jersey uniforms nila.

Itim na jersey para sa BLACK SAMURAIZ Team nula sa Tokyo, Japan. At home jersey naman o puti para sa AL BALQA Team mula sa Amman, Jordan.

Habang nagbibihis ay madaming anunsyong sinabi si Coach Zakusa. Siya, si Mari at Haruko ay nakasuot ng varsity jacket ng kanilang team. Samantala ang tokyo players ay tinabunan ng Black T-shirt at red jogging pants ang kanilang jerseys.

Samantala si Hanamichi ay kunot noong nakatingin sa kanyang bag. Nagtataka siya dahil merong dalawang box na nakapaloob dito. Nilapitan siya ni Haruko.

"Sakuragi?" Tawag niya.

"Sandali lang myloves. Wala akong naalala na may dala akong ganito? Saan galing ang dalawang kahon na'to?" Takang tanong ni Hanamichi.

Mahinang tumawa si Haruko. "Bakit hindi mo buksan para malaman mo kung ano ang nakapaloob diyan?"

Sandaling napakurap si Hanamichi at nilabas niya sa kanyang bag ang dalawang kahon. Parehong malaki na maihahalintulad sa kahon ng sapatos.

Parang natauhan si Hanamichi nang marealize niya yun kaya dali-dali niyang binuksan ang mga ito. At hindi nga siya nagkamali. Dalawang bagong sapatos ang laman ng mga kahon. Hindi siya makapaniwala. Parehong Air Jordan 1 basketball shoes at halatang hindi ito bastang imitation lang dahil nakita niya ang presyo nito na umaabot ng 180 dollars.

Nagdadalawang isip si Hanamichi gamitin ang mga yun dahil sa kamahalan ng presyo hanggang sa makita niya ang dalawang sticky note na nakakabit sa likod ng takip ng kahon. Kinuha niya yun at tiningnan kung anong meron.

SLAM DUNK #2: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 1]✔️Where stories live. Discover now