29: The Things You Do....

639 21 16
                                    

Kasalukuyang kumakain ng hapunan sina Kim at Kiwi ng marinig nilang may nagbukas ng pinto.

Tatayo pa sana si Kim para tingnan kung sino ang dumating ng bigla itong magsalita.

"Late yata ang hapunan niyo ngayon?" Tinig iyon ni Alyssa. Nakapasok na ito ng kusina at nakita ngang kumakain ang mga kaibigan.

"Hey Alyssa Valdez! Bakit nandito kana? Kasama mo ba ang asawa mo? Lika kain!" Imbes na sagutin ang naunang tanong ni Alyssa. Magkakasunod uling mga tanong ang ibinalik ni Kim sa kaibigan.

"Ay, hindi ako na inform na hindi na pala ako pwedeng umuwi dito! Salamat nalang. Nakakain nako!" Nakasimangot na ipinaghila niya ng upuan ang sarili at naupo sa tabi ni Kiwi.

"Geez Ly. Stop doing that. Hindi bagay sayo." Ngiting-ngiti si Kiwi ng mapuna ang facial expression ni Alyssa.

Mas lalo namang nalukot ang mukha ni Alyssa sa sinabing iyon ni Kiwi.

"Itigil mo na ang kakasimangot Alyssa. Nagulat lang kami kasi hindi namin iniexpect na uuwi ka ngayong gabi, and sa tanong mo kung bakit ngayon lang kami nakakain? Well, madaming trabaho sa vineyard. Doubletime ang pagharvest kaya iyon overtime." Sabi ni Kim habang sinasalinan ng drinking water ang sariling baso.

"Yeah, overtime happened! Please Ly, we're not expecting you to be home until next week eh, nagulat kami upon seeing you. Did something happened ba? As I can see Den's not with you." Tumayo si Kiwi to wash her hands. Tapos na itong kumain.

Totoo naman kasing unexpected itong pagbalik kaagad ni Alyssa sa Napa Valley. Three days palang ang dumaan mula noong kasal nila ni Dennise.

Nagkaroon lang ng isang maliit at intimate get-together ang magkakaibigan after ng kasal. Early dinner.

Then by eight in the evening nagsipagpaalam narin ang mga bisita. Sila Kim and Kiwi ay nagdrive pabalik ng Napa Valley. May trabaho pa kasi sila kinabukasan. Sila Dominic and Alvin, kasama ang pinsan ni Dom ay nagdesisyong magliwaliw at eenjoy ang nightlife sa panig na iyon ng mundo. Inaya din ng mga ito sila Kim and Kiwi pati na ang magkasintahang Fille and Gretchen ngunit polite na tinanggihan iyon ng mga kasama.

May trabaho nga kasi sina Kim and Kiwi, habang ang lovebirds na sina Fille and Gretchen naman ay maaga ang flight pauwi ng Pilipinas. Trabaho din ang rason kung bakit hindi pwedeng mawala ng matagal ang mga ito. Swerte pa ngang maituturing na nakarating silang pareho sa kasal ni Alyssa at Dennise, given the short notice.

"Kakahatid ko lang kay Dennise sa airport. Umuwi na siya ng Manila." Alyssa said.

"Ha?" Magkapanabay pang wika ng dalawa.

"Yep, umuwi na siya. Tumawag kasi ang daddy niya, may aberya yata sa opisina." After sabihin iyon, tumayo si Alyssa at lumabas ng kusina.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay napakibit balikat.

"Ligo lang muna ako, mag-usap nalang uli tayo mamya." Alyssa added and walked straight to their room.

Naiwang nakatanga ang dalawa. Maraming mga katanungan ang kailangang mabigyan ng kasagutan. Pero, may tamang oras para dyan. For the mean time, ang pagliligpit muna sa kanilang pinagkainan ang kailangang pinag-ukulan ng pansin nina Kiwi at Kim.

After almost thirty minutes pumasok na ng kwarto sila Kim at Kiwi. Naabutan nilang nakaupo si Alyssa sa kamang share nilang ginagamit ni Kim. Nagsusuklay ito ng buhok.

Naupo si Kiwi sa kama na nakatoka sa kanya habang, si Kim ay pumasok ng banyo.

Ilang sandali pa lumabas ito at sumandal sa hamba ng pinto.

"You were saying na pinauwi ng tatay niya si Dennise? Diba pinayagan naman niyang magbakasyon sila ni Dominic? Bakit pinauwi niya din kaagad?" Medyo hindi pa maintindihan ang mga pinagsasabi nito dahil nagsimula na ito sa pagsisipilyo.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now