Chapter 36

575 18 18
                                    

"Hey, been looking for you." Narinig niya ang boses ni Dennise.

"Hi! Sinenyasan ko kanina si Beatriz before walking out of the classroom. Hindi siya nagsabi sayo?" Walang lingon likod na wika ni Alyssa.

"Nah. Hindi niya siguro naintindihan or hindi niya nakita." Ramdam ni Alyssa na tumigil ang babae sa kanyang likuran.

"Baka nga hindi niya nakita o naintindihan. Come here, seat beside me." Doon palang siya lumingon. Umusog din siya ng konte to make room for Den.

"Here, take this. I made this for you." Doon palang niya nakitang may hawak palang isang disposable cup si Dennise. Judging from it's aroma, alam agad ni Alyssa na kape iyon.

"Black no sugar." Nakangiting wika ni Dennise. Umupo narin ito sa tabi ng dalaga.

"Thank you. Just the way I like it." Nakangiting inabot niya ang cup saka ito inamoy.

"Yeah, just the way you like it. How was it? Nagustuhan mo naman ba?" Nakamatang naitanong pa ni Dennise. Matapos amoyin ang aroma ng kape, doon palang humigop mula sa cup si Alyssa.

"Hindi perpekto pero pwede na." Nangingiting wika nito kapagdaka.

"I'll take that. Atleast pwede na and kaya mong inumin di ba?" Napangiti narin si Dennise.

"Oo, baby step. Hahaha." Napahalakhak na si Alyssa.

"Sabi ko nga eh! By the way kanina ka pa bang nandito? Late na, bakit hindi ka pa bumalik sa loob? Hindi ka pa inaantok? Or pagod manlang? You should be sleeping na. Saka baka maraming lamok dito Ly?"

Mag-aalas onse na kasi noon ng gabi. Ang mga kasamahan nila ay nagpapahinga na, liban lang doon sa mga military escorts na sigurado si Alyssang up until that minute eh ginagawa ang kanilang responsibilidad, which is ang pagmamatyag sa paligid.

"That was the exact reason why up until now gising pa ako." Alyssa softly said after taking another sip from her cup.

"Huh? Because of the mosquitos?"

Sa tulong ng liwanag na nanggagaling sa buwan saka ng natitirang apoy ng bonfire, kitang kita ni Alyssa kung paano nangunot ang noo ni Dennise.

"Hahaha. Silly! Hindi dahil sa lamok babe, kanina pa ako dito but never pa akong nakagat ng lamok, safe to say na walang lamok dito. Ganito kasi iyon, kapag kasi sobra akong pagod, I find it hard to sleep. Hahaha. Weird because mostly di ba kapag pagod, agad-agad na nakakatulog? Ako kabaliktaran." Wika niya habang nakatingin kay Den. Doon lang din niya napansin na wala manlang itong suot na proteksyon sa hamog. Yes, naka-suot ito ng jacket plus leggings, pero wala itong suot na sombrero.

"Suotin mo ito. Mahamog na, baka magkasakit ka niyan." Agad na ibinaba ni Alyssa ang wala ng lamang cup saka mabilis na hinubad ang suot na ball cap, at inilagay sa ulo ni Dennise.

"Thank you. But you were saying na nahihirapan kang makatulog if pagod ka?" Sa hindi makapaniwalang tinig ay wika ni Dennise.

"Yup, ganyan na ako dati pa. Even noong nasa hacienda pa ako. Hirap talaga akong makakuha ng tulog kapag pagod." A smile smile appeared on her lips.

"But, noong pinagod kita nakatulog ka naman agad ah?!" Huli na para bawiin niya iyon. Lol!

Ang malulutong na halakhak ni Alyssa ang pumuno sa katahimikan ng gabi.

"Sshhhhh Ly!"

Mabilis na dumukwang si Dennise para abutin at takpan ang bunganga ng kasama. Dahil sa pagkagulat, hindi nakahuma si Alyssa. Natumpa siya, at nahatak pa si Dennise! Ang ending, napahiga siya sa damuhan! With Dennise on top of her!

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now