15: Trust Issues

440 21 3
                                    

"Hindi niya nabanggit kung saan ang punta niya ate? I don't even have an idea kung nagpaalam ba siya kila dad."

"Hindi niya nabanggit. Masyado naman kasi iyong nagmamadaling makaalis. Kahapon lang reklamo iyon ng reklamong kesyo pagod daw. Yet kanina excited na. Ewan kung saan ang punta noon." Sagot ni Ella.

Alas tres na iyon ng hapon at kasalukuyang nagkakape sina Ella at Beatriz sa hardin ng mansion.

"Ate, nakita mo bang umalis kanina si ate Den?" Tanong ni Bea sa katulong na naghatid ng bischoco at otap. Perfect partner sa mabango at mainit init na newly brewed coffee.

"Nakita ko po siya señiorita, katunayan nga po niyan ako ang naghatid sa kanya doon sa gate sa likod. Sinamahan ko din po siya kanina habang hinihintay na dumating ang kanyang sundo." Paliwanag ng katulong, na ikinakunot naman ng noo ni Beatriz.

"Sa likod siya dumaan? At may hinintay siya doon? May sumundo kako kay ate Den?" Ulit pa ni Bea. Unlikely of her ate Den to do such a thing.

"Opo señiorita. Hinintay niya ang pagdating ni ma'am Alyssa. Hindi naman matagal ang naging paghihintay namin sa pagdating ni ma'am. Kaagad din naman kasing dumating ito at umalis din naman sila pagkatapos." Eksplika ng katulong.

"Salamat ate. Pwede ka na pong umalis." Magalang na turan ni Bea sa kasambahay pagkatapos niya itong makausap at makakuha ng impormasyon mula dito.

"Lukaret iyong babaeng iyon! So, si Alyssa pala ang kasama ng kapatid mo Beatriz? Kaya pala nagmamadali, iyon pala may date kay ex? Saan kaya ang punta ng dalawang iyon?" Sunod sunod na tanong ni Ella sa kasama. Sabi na nga ba niyang may kakaiba talaga sa kilos ng kaibigan!

Ngayong alam na nila kung sino ang kasama ni Dennise, ang destinasyon nalang nito ang kanilang problema.

Doon naman dumating ang magkasintahang Jia at Miguel.

Nagbatian sila at pagkatapos noon naupo at nagkape narin ang dalawa kasama ng dalawang babae.

"Wala si Gab ate?"

"Sinamahan si Papa sa Bacolod Bei, may kakausapin daw silang distributor ng mga fertilizers and pesticides." Imporma ni Jia sa pinsan.

"Umalis pala sila ate? Sayang hindi ko alam, may ipapabili sana ako."

"Hindi ko nga rin alam na isinama siya ni Papa. Akala ko tulog pa, iyon pala sabi ni Mama umalis sila. Importante ba iyong ipapabili mo? We can call him if kailangan mo talaga." Suggestion pa ni Jia while napatingin sa gawi ni Bea.

"Hindi naman importante, some lens cleaner lang for my cameras ate."

"Bilhan nalang kita tomorrow Bei, punta din akong Bacolod eh." Agaw ni Miguel. Nakaupo ito katabi ng kasintahan.

"Thank you kuya Miguel. Sabihin ko nalang mamya kung ano ang preferred brand ko."

Miguel smiled at Bea, and doon palang nanoticed ni Jia na hindi nila kasama si Dennise.

"Ate Ells, si ate Den? Tulog pa ba siya?"

"Si Dennise? Hindi namin alam kung saan siya Ji."

"Huh? Umalis ng hindi nagpaalam? Sinong kasama?" Parang hindi makapaniwala na turan ni Jia. Hindi kasi ugali ni Dennise na umalis ng hindi nagpapaalam.

"Parang ganon na nga Ji, nagmadaling umalis. Kasama niya? Si Alyssa. Hindi din namin alam kung saan sila pumuntang dalawa." Si Ella iyon sa tinig na may pagkadisgusto. Ayaw kasi talaga nito na nagkakasama sila Dennise and Alyssa. Wala namang masama doon, ayaw lang nitong masaktan muli ang kaibigan.

"Unlikely of her. But hayaan niyo nalang. She has a mind of her own. Plus sigurado akong hindi naman siya pababayaan ni Ly." Miguel said para kahit papaano mapanatag naman ang kalooban nila Ella.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now