9: Painful Truth

427 20 2
                                    

Natapos ang umagang iyon ng hindi naghihiway sina Alyssa at Dennise. Ginugol nila ang kanilang oras sa pamamagitan ng pagkukwentuhan at pagkukulitan. Kinukulit kasi ni Dennise ang girlfriend na tumugtog gamit ang guitara. Pero dahil nga nagpapanggap siyang si Alyja kailangan din niyang magpanggap na hindi pa talaga siya ganoon ka maalam sa pagtugtog ng naturang istrumento.

Nang mga bandang alas-onse pasado na, nag-aya si Dennise na sa mansion ng lolo at lola niya sila mananghalian.

Ayaw sana sumama ng batang Valdez pero wala siyang magawa dahil sa pamimilit ni Dennise.

Inayos niya ang nakalatag na kumot pati ang mga pinagkainan. Binalik ang mga iyon sa basket saka iniwan sa ilalim ng puno.

"Kasama mo bang umuwi ang parents mo?" Naitanong ni Alyssa habang magkahawak kamay nilang tinatahak ang daan papuntang mansion ng mga Lazaro.

"Ako lang ang umuwi, dad's busy with work, si mom naman naiwan for Bea. Kakauwi niya lang din from another three-month work abroad." Sagot nito habang patuloy na naglalakad.

Hindi alam ni Alyssa ang uri ng trabahong meron ang mommy ni Dennise. Nais niya sana itong tanungin tungkol doon pero nag-alangan siya, baka kasi alam na ito ni Alyja. Ma-technical pa siya ng wala sa oras.

"Ganoon pala. So kamusta naman ang kapatid mo?" Naitanong nalang niya.

"Bea's doing well, that girl loves photography and nakikitaan din ng concern para sa mga less fortunate, especially homeless and abandoned children. Nagmana yata kay mom. She's young pa but, diba I told you my sister's younger by two years?"

Tumango nalang din si Alyssa.

"As I was saying, kahit bata pa siya, fixated na siya sa goal niya. Sigurado na siya sa kung anong daan ang tatahakin niya. Nabangkit na niya sa parents namin na gusto niya ring maging part ng isang international humanitarion organisation - just like our mom. Good thing mukhang payag naman si dad doon." Nakuha ni Alyssa ang sagot sa katanungan niya kanina. Si Dennise narin mismo ang naglahad noon without her asking.

"Good for her then. Wala na rin sigurong worries yung daddy niyo kasi kampante siyang kahit ano ang mangyari may magpapatuloy ng negosyong naitayo niya." Isa sa mangilan-ngilang trivia na alam ni Alyssa ay ang uri ng trabaho na mayroon ang tatay ni Dennise. Sikat kasi ito sa engineering and construction world.

"Sinusundan mo na kasi ang yapak ng iyong ama." Ngumiti siya sa dalaga habang sinasabi iyon.

Tumigil sa paglalakad si Dennise at bahagyang yumuko.

"Alam mo second choice ko lang ang kursong ito. But yun na nga after seeing and observing my younger sister parang maisip ko na kailangan kong istep aside ang ultimate dream ko. Nakikita ko rin kasi that Bea's into something different eh. So if ako, kung ipupursue ko pa iyong dream ko to become a doctor. Ang kapatid ko naman ang mawawalan ng chance na tuparin ang pangarap niya. Pipilitin kasi talaga siya ni dad na sumunod sa kanya kung nagkaon. Atleast ako, mga thirty percent of me already loves architecture so ito ako, slowly learning how to love my course to the fullest, and on my way to becoming an architect." Medyo malungkot na turan ni Dennise, nakayuko parin ito at pinaglalaruan ang mga dahon ng manga na nasa kanyang paanan.

"Wow! Napakabait at responsableng anak at kapatid pala nitong babaeng niloloko mo?" Kastigo ng konsensiya ni Alyssa. Napangiwi siya sa isipang iyon. Pero kailangang may sabihin or gawin siya para mapawi ang lungkot ng babae.

Tinaas niya ang mukha ng dalaga sa pamamagitan ng pagtaas ng chin nito, dahilan para magka-eye to eye contact sila.

"Ngayon palang sinasabi ko na sayong proud ako sayo, you are doing great as an ate and as a daughter, and kahit anong mangyari nandito lang ako para sayo. Nakaalalay at nagmamahal." Puno ng sinseridad na turan niya habang nakatingin sa mata ng dalagang Lazaro.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now