27: Marry You

507 24 8
                                    

"Do you take this person as your lawfully wedded wife?"

"Yes, I do."

Ang mga luhang kanina pang pinipigilan ay hindi na maampat ang pagpatak. Agad iyong pinunasan ni Alyssa gamit ang likod ng kanyang palad.

"You may now kiss the bride." The minister said.

"Valdez, tigilan mo na iyang kadramahan mo. Kiss na daw oh? Umaksiyon kana baka magbago pa ang isip ng asawa mo!" Sigaw ni Kim mula sa likod.

Lumingon si Alyssa at pinaningkitan ng mata ang kaibigan na naging dahilan ng pagtawa ng iba pang dumalo.

Sa totoo lang ay hindi alam ni Alyssa ang gagawin. Todo-todo ang nerbiyos na kanyang nararamdaman, na dinagdagan pa ng patuloy na kantiyaw ng kanyang mga kaibigan.

Pakiramdam niya ay any moment ay paanawan siya ng ulirat kaya bago pa mangyari iyon, humarap siyang muli sa kanyang asawa.

Tipid itong nakangiti sa kanya. Ang mga mata'y nagpapahiwatig nang encouragement. Iniincourage siya nitong gawin ang bagay na sinasabi ng kanilang mga kaibigan.

Bumuntong hininga siya at dahan dahang inilapit ang mukha sa babae.

She leaned in and gave Dennise a gentle kisd on her lips.

Their first official kiss as a married couple.

"Congratulations Alyssa and Dennise!" Their friends scream in unison.

Yep. Alyssa and Dennise are now married! Paano nangyari iyon? Well, balikan natin ang mga pangyayari sa bar, two days before ng scheduled flight ni Alyssa pabalik ng abroad.

**********
"We're gonna be husband and wife pretty soon architect. Always remember, that a strong and successful marriage requires honesty and trust!"

"And I died at that exact same moment!"

Of course, she didn't die like literally, but her heart does.

Gasps were heard. Everyone on that room were clearly caught-off-guard by Dominic's statement.

Alyssa on her part manages to keep a straight face and silently reached for her glass, poured an ample amount of whisky then took it in her mouth. Bottoms up!

Napangiwi siya ng maramdaman ang mapait at matapang na lasa ng inumin, dagdagan pa ang init na dulot niyon sa kanyang lalamunan. Ngunit iyon lang yon, imbes kasi na tigilan na ang pag-inom parang mas lalo pa ngang ginanahan si Alyssa. Ang shot na iyon ay nasundan pa ng isa, isa pa, at isa pa ulit.

Nagkatinginan ang magkakaibigan dahil sa inasal na iyon ni Alyssa. Hindi man ito nagsasalita, hindi naman sila tanga para hindi malaman ang dahilan ng sunod-sunod nitong shots.

"Okay ka lang tol? Alalay lang tayo ha?" Bulong ni Kim sa kaibigan. Nag-aalala man ay wala paring magawa na kahit ano itong si Kim para pigilan ang patuloy na pag-inom ni Alyssa.

Mukhang nasa tamang huwisyo pa naman si Alyssa nagawa pa kasi nitong tumango sabay ngiti kay Kim. Sumenyas pa nga ito ng thumbs-up sa gawi nila Gretch and Fille.

Nahagip tuloy niya ang masamang tinging ibinigay ni Dennise sa kasintahan. Na ipinagkibit balikat lang din naman ni Dominic.

"So, guys please join me in congratulating our dear friends here." Tumayo siya at muli ay nasa kamay ang basong naglalaman ng alak.

"To Dominic and Dennise. May you have a fruitful and happy marriage. Cheers!" Itinaas niya ang hawak na baso and proposed for a toast.

Wala namang magawa ang ibang naroroon kundi ang itaas din ang kanikanilang mga baso at sabay-sabay na sumigaw ng "cheers!"

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now