31: Another Ordinary Day

927 24 10
                                    

The morning after...

"Where is she?" Iyon ang mga katagang namutawi mula sa mga labi ng arkitekto ng maimulat niya ang kanyang mga mata.

Hindi niya maiwasang hindi madismaya. Hindi kasi niya makita si Alyssa. Wala na ito sa kanyang tabi. Tumayo siya at inilibot ang paningin sa kabuuhan ng silid hoping na makikita niya ang asawa. Ngunit wala ni konteng palatandaan na naroroon nga ito.

Ang meron lang, ay ang palatandaan ng kung anuman ang pangyayari kagabi.

Magulong higaan, nagkalat at nasa sahig ang ilang pirasong unan. At ganoon nalang ang ginawa niyang pagpikit sa sariling mga mata ng makita ang kakarampot na kasuotang panloob na nasa paanan ng kama.

Nakaramdam si Dennise ng pag-iinit ng sariling mga pisngi ng tuluyang manumbalik sa kanyang isipan ang namagitan sa kanila ni Alyssa.

"Totoo nga bang naibigay ko kagabi sa kanya ang aking sarili?" Mahina niyang bulong sabay hawak sa kumot at sa nanginginig na mga kamay ay iniangat ito para silipin ang sarili.

Isang napakalalim na buntong hininga ang kumawala sa kanya ng makumpirmang totoo ang kanyang hinala.

There it is. She's totally naked under the sheets!

Naibigay nga niya kay Alyssa ang pinakaiingatan niya!

"But where is she?" Pagkaraan ng ilang minuto ay muling tanong niya sa kanyang isip.

"Bakit wala siya dito?" Gamit ang kumot na mahigpit niyang pinulupot sa kabuuhan ng katawan ay tumayo siya at tinungo ang cr.

Nais man niyang lumabas at hanapin ang asawa, mas minabuti niya munang pumasok ng comfort room at ayusin ang sarili.

Binuksan niya ang gripo at naghilamos. Habang pinagmamasdan ang repleksyon hindi maiwasan ni Dennise na muling makaramdam ng pag-iinit ng kanyang mga pisngi.

Bumabalik kasi sa kanyang isipan ang mga ginawa ni Alyssa kagabi.

Ang uri ng tingin na ibinigay nito sa kanya bago at pagkatapos ng mapangahas nitong halik. Ang pagtugong ginawa niya na naging dahilan ng paglalim pang lalo ng halik na iyon. At ang mismong pag-angkin nito sa kanya.

Ramdam niyang nagsitaasang bigla ang kanyang mga balahibo at ng makita niyang muli ang sarili ay nakita niyang siya ay sobrang namumula. She's blushing.

Sa sobrang imbarassment, at sa pagnanais na burahin sa isipan ang mga mapang-akit na imahe, buong gigil niyang hinablot ang kanyang toothbrush saka naglagay ng toothpaste at nagsimulang magsipilyo.

Muntikan na niyang malulon ang laman ng kanyang bunganga ng sa hindi inaasahan ay may pumasok at bigla nalang siyang niyakap mula sa likuran.

"Good morning babe!" It's her wife. Si Alyssa.

Iyon na naman. Ramdam na naman niyang para siyang nakukuryente. Iyon at iyon ang nararamdam niya sa tuwing magkakalapit sila ni Alyssa. Parang boltaboltaheng kuryente ang dumadaloy at nanunuot sa kanyang kalamnan. Gusto niyang kumawala sa yakap na iyon ngunit parang wala siyang lakas para gawin ang naturang bagay. Kaya sa halip na pumalag, hindi nalang siya nagsalita, at sa may pagmamadaling kilos ay iniluwa ang laman ng bibig saka nagmumog at tinapunan ang repleksiyon ng taong nasa kanyang likuran. Isang pagkakamali! Kung pwede lang niyang sabunutan ang sarili ay ginawa na niya!

Huling-huli kasi niya ang mga mata ni Alyssa. Tulad ng kagabi kitang-kita niya ang kakaibang kislap at ang unti-unting pamumuo ng pagnanasa sa mga matang iyon. Lalo pa siyang kinilabutan.

Kasabay ng paglakbay ng kilabot na iyon, ay ang unti-unti ring paglukob ng kakaibang uri ng init sa kanyang katawan.

Kakainon lamang niya ng tubig ngunit pakiramdam niya ay sobrang nanunuyo ang kanyang lalamunan.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now