14: First Signs of...

484 21 4
                                    

"Huh? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat na napasigaw si Dennise ng sa kanyang paglingon ay nakita niya ang nakatayong si Alyssa.

"Ah.. eh.. wala. Sinundan lang kita." Sabi nito na ang isang kamay ay nasa likod ng kanyang ulo.

Tumaas naman ang kilay ni Dennise dahil doon.

"Nagulat yata kita. Pasensiya na señiorita. Baka kasi kung mapano ka. Alam mo na, madaling araw na eh."

"Tingin mo mayroong maglalakas loob na gawan ako ng masama? Dito? Dito sa sarili naming hacienda?" Angil niya dito.

"Hindi masamang mag-ingat. Naninigurado lang din ako. Kargo ka kasi nila tatay Rene, so kung may mangyaring masama sayo sila ang mananagot sa nana mo pati narin sa parents mo." Paliwanag ni Alyssa. Nakatayo siya sa parteng likuran ni Dennise.

"Kaya ko ang sarili ko Alyssa, sige na pwede ka ng umalis. Wala ng gagalaw sakin dito." Taboy niya sa dalaga. Kasalukuyang nasa hardin na ng mansion si Dennise. Nakaupo sa gazebo at pinagmamasdan ang mga bituin.

"Hindi pwede." Mahina niyang usal?

"Bakit hindi pwede? Bingi ka ba o hindi ka lang talaga nakakaintindi? Sabi ko nga okay na ako dito hindi ba?" Inis na inis na si Dennise sa inaasal ng taong kasama.

"Kamusta kana?" Imbes na salungatin o sumang-ayon sa kagustuhan ni Dennise, ang mga katagang iyon ang siyang lumabas sa bibig ni Alyssa.

Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila bago nagawang magsalitang muli ni Dennise.

"Eto, okay lang. Thankful at masaya." Tipid na sagot. Hindi manlang niya tininapunan ng tingin si Alyssa.

"Masaya?" Ulit ni Alyssa.

"Positive. Masaya ako ngayon. Masayang nakauwi dito for my nana's birthday, masaya kasi I got to spent some time with tita Juliana's family. Basta masaya ako. Ikaw? Alyssa, di ba Alyssa ang totoo mong pangalan?" Hindi nakaligtas sa pandinig ni Alyssa ang mapang-uyam na tono sa boses ni Dennise.

"Kamusta ka naman?"

"Hindi perfectly happy pero ayos lang din ako." Sabi niya habang humakbang palapit kay Dennise.

"May naagrabiyado ka ba? Iyon kasi ang sabi nila eh, once daw na may naagrabiyado ka hindi ka daw talaga tuluyang magiging masaya." Sinalubong ni Dennise ang tingin ni Alyssa ng umupo ito sa upuang kaharap ng inuokupa niya.

"Meron. Nakagawa kasi ako ng isang matinding kasalanan. Sa taong may malaking parte ng aking nakaraan. Sa loob kasi ng mahabang panahon, niloko ko siya. Puros kasinungalingan ang nasabi ko't nagawa." Ramdam ang bigat sa mga binibitawang salita ni Alyssa.

"You said pinaniwala mo siya sa mga kasinungalingan. Sa dinami dami ba ng mga kasinungalingang nasabi mo sa taong iyon wala ba ni isa doong totoo?" Nagbaba ng tingin si Dennise.

"Meron. Ang pagmamahal ko sa kanya!" Derektang wika ni Alyssa.
++++++++++

"Oy. Oy, oy saan ka pupuntang babae ka? Ba't nakabihis kana? Ang aga aga pa!" Nasabi ni Ella ng sa pagmulat niya ng kanyang mata ang imahe ni Dennise na nakabihis na at handa ng umalis ang agad na bumungad sa kanya.

"May pupuntahan ako. At correction besh, alas dos napo ng hapon." Sabi naman ni Dennise habang nginunguso ang digital clock sa bedside table.

"Ha? Alas dos na?" Gulat na sabi ni Ella.

"Yup. Nasabi mo lang na maaga pa kasi makulimlim abg panahon ngayon. Hindi maaraw pero hindi din maulan. Bimangon kana at bumaba para kumain. Sabi nila mom kanina gisingin kita para sa lunch pero I said gigising ka lang naman once you're hungry."

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now