11: Present Time

453 24 5
                                    

"Oh tol, saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap! Pinapatanong ni tita Evelyn kung dumating na ba ang mga inorder niyang flowers for nana Martha." Iyon agad ang sumalubong kay Alyssa ng makarating siya sa bahay ng mga Villarama.

"Yun ba ang itinawag mo? Masyado kang oa! Huwag ka ng mag-alala, nakausap ko na si tita Evie tungkol sa bagay na iyon." Sabi niya dito habang pinagpapatuloy ang paglalakad papasok sa kabahayan.

Tinawagan niya kasi agad ang babae pagkatapos makausap sa cellphone si Kim. Napag-alaman niyang nag-last minute gift hunting ang mag-asawa sa syudad.

"Paanong hindi magiging oa, eh ako nga ang kinukulit. Hindi ka daw niya matawagan. Takot yatang hindi makarating iyong mga bulaklak doon sa hacienda Lazaro, in time sa party ni nana." Sumunod naman si Kim sa kaibigan na dumeretso sa kusina at agad na nagbukas ng refrigerator.

"Nandoon na ang mga bulaklak. Pinakiusapan ko na nga si Jia kanina na siya na ang bahala sa mga iyon. Nandoon narin naman ang mga party organizers na siyang may alam sa kung ano ang nararapat gawin sa napakaraming bulaklak na iyon." Kumuha siya ng isang boteng lalagyan ng tubig, at isang pirasong mansanas bago isinara ang ref.

Nagtungo si Alyssa sa sink at hinugasan ang naturang prutas. Kumuha narin siya ng baso para pagsalinan ng tubig. Nang matapos na siya ay nilapag niya ang baso at bote sa bar counter saka pinaghila ang sarili ng stool at naupo doon.

"Gusto mo? Hati tayo tol?" Sabi niya habang inaalok kay Kim ang mansanas. Nakaupo na ito sa isa pang stool na nasa harapan ni Alyssa.

"Nah, salamat nalang tol, busog pa ako. Kakakain ko lang kasi ng breakfast. Ikaw iyan lang ba ang kakainin mo? For sure hindi ka nag-agahan. Tawagin ko si manang Caring para ipaghain ka?" Nag-aalalang alok ni Kim sa kaibigan, kanina kasi paggising niya ng mga alas sais wala na si Alyssa, so ibig sabihin noon, napaaga talaga ang alis nito.

"Wag na tol, inalok kasi ako kanina ng kape at pandesal nila tatay Rene at manong Nick ng mapadaan ako sa umpukan nila, doon sa hacienda Lazaro. Nahiya naman akong tumanggi." Paliwanag niya habang patuloy ang ginagawang pagnguya sa mansanas.

"Ang aga mo namang pumunta doon Alyssa? May hinihintay ka bang dumating ha?" Nag-taas baba pa ng kilay si Kim habang ngingiti ngiting kinakausap si Alyssa.

"Loko! Kung ang tinutukoy mo ay ang pagdating ng mga bulaklak na order ni tita Elvie. Well tama ka, iyon nga ang hinihintay ko! Bakit sino ba iyong darating na iyon at kailangang nandoon talaga ako at nakaabang?" Balik tanong niya sa kausap.

"Si Dennise! Diba ngayon ang dating ni Dennise?" Malokong sabi ni Kim.

"Oo, ngayong araw ang dating niya. Nasundo ko na nga sa airport eh!" Agad ding sabi ni Alyssa habang inilalapag ang basong ginamit sa sink.

"Tangna. Yan tayo eh! Ang bilis mo talaga Valdez!" Narinig niyang sigaw ni Kim bago niya ito tuluyang iwan at pumasok sa kwarto para magbihis.
++++++++++

"Oh ate Ells halika dito. May hinahanap ka ba?" Inaya agad ni Beatriz ang bestfriend ng kanyang ate Dennise ng makita niya itong palinga linga na parang may hinahanap.

Nasa gazebo kasi si Beatriz at nililinis ang camera. Gagamitin niya marahil ito sa kasiyahang magaganap mamaya.

"Hello Bei, wala naman, nagbabakasakali lang na makita kita or si Jia. Ano nga pala iyang ginagawa mo?" Naupo si Ella sa katapat na upuan ni Bea. Mga alas dyes na iyon ng umaga.

"Busy si ate Jia ate, katulong kasi siya nina mommy at tita Julia sa overall preparation ng party. Ah ito ba? Nililinis ko lang ang mga lenses ate, gagamitin ko kasi mamaya sa party. Akala ko magpapahinga ka ate Ells?" Tumingin sandali si Bea dito.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now