7: Sad Endings + Surprising Beginning

447 15 5
                                    

Narinig ni Alyssa ang pagbukas at ang pagsara ng pinto. Kasalukuyang siyang nakatayo at nakadungaw sa bintana. Bumuntong hininga siya. Hindi na niya kailangang lumingon para malaman kung sino ang pumasok.

"Galit ka parin ba sa akin Aly? Sana mapatawad mo ako." Agad na turan ng kanyang ina ng makapasok ito sa kwarto nila ni Alyja.

"Nagtatampo at may sama ng loob oo, pero ang sabihing galit ako sa inyo? Hindi po nay." Malumanay na sabi niya at pumihit paharap sa ina at saka niyakap ito ng mahigpit.

"Patawarin mo parin ako Alyssa, gustong gusto kong sabihin sayo ang lahat bago mahuli ang lahat pero, iyon ang kagustuhan niya. Masakit man sa parte ko pero kailangan kong sundin ang kagustuhan ng iyong kapatid." Napahikbi na ang kanyang ina. Hindi na nito napigilan ang bugso ng damdamin.

"Mahirap iyong tanggapin nay, pero sigurado po akong darating din ang panahon na maiintindihan ko rin po kung bakit niya nagawa iyon. Huwag napo kayong mag-alala hindi mo ako galit sa inyo. Ikaw nalang po ang meron ako ngayon. Magtulungan nalang po tayo nay." Pilit nagpapakatatag na turan ng labing limang taong gulang na dalagita.

Mas hinigpitan pa ni Alyssa ang pagkakayakap sa kanyang ina. Nagtatampo man, wala na siyang pagpipilian pang iba, higit kailangan man ngayon siya nito kailangan. Kailangan nilang mag-ina ang isa't isa!

Ilang minuto din silang nanatili sa ganoong posisyon bago bumitaw sa isa't isa. Naupo ang nanay niya sa kama habang siya ay nanatiling nakatayo paharap dito.

"Salamat anak. Wala na tayong magagawa kundi tanggapin ang katotohanang wala na ang kapatid mo." Labis ang kalungkutan sa tinig ng ina.

Oo, sa edad na labing lima ay tuluyan ng sumuko ang katawan ni Alyja sa matagal na pakikipaglaban sa iniindang karamdaman. Pumanaw siya dalawang buwan (July) matapos ang huling pagkikita at pag-uusap nila ni Dennise.

"May ibinilin nga pala si Alyja sayo. Ibigay ko daw ito sayo sa tamang panahon." Kalmado nang sabi ni Eliza sa anak at inilabas mula sa bulsa ang isang sobre. Inabot niya ito kay Alyssa at tumayo na para lumabas ng kwartong iyon.

Nang makalabas ang ina, ay naupo si Alyssa sa sariling kama at agad na binuksan ang sobreng binigay ng ina. Nakasulat sa labas ng sobreng iyon ang pangalan niya.

Alyssa.

Sa nanginginig na kamay ay kinuha niya ang laman ng sobreng iyon at binasa.

Alyssa,

Sa oras na mapasakamay mo ito, malamang na kasama ko na ang itay. Una sa lahat, humihingi ako ng paumanhin sa ginawa naming paglilihim sa iyo ni inay. Huwag ka sanang magalit sa kanya. Ginawa lamang niya iyon dahil sa aking kahilingan. At dahil nga ako talaga ang may pakana sa lahat ng ito tanggap ko kung sakali mang kamumuhian mo ako.

Sinulat ko itong liham na ito dahil alam kong hindi na ako magtatagal, alam ko ring wala na tayong pagkakataong magkitang muli.

Patawad sa tahasan kong pagkuha ng lugar mo sa buhay ni Dennise. Noong araw na umuwi ka mula sa kapatagan. Tandang tanda ko kung gaano kalapad ang ngiti na gumuhit sa iyong mga labi, pati narin ang kislap ng iyong mga mata. Gaano man kaikli ang pagkikita niyong iyon, napagtanto kong noon din mismo, espesyal na siya para sa iyo. Nanibugho ako Ly, patawarin mo ako pero nagselos at natakot ako sa nakikita ko sayo. Natakot ako na baka mawalan na ako ng lugar sa buhay mo kung sakali mang magkapuwang naman ng tuluyan sa puso mo ang estrangherong iyon. Idagdag pa roon ang katotohanang gusto ko ring magkaroon ng isang bagong kaibigan. Gusto ko kasi bago manlang ako pumanaw, makakilala ako ng tao na magpapasaya sakin. Yung sayang hindi katulad ng saya na naibibigay ninyo ni inay.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now