8: Barrowed Time

435 17 5
                                    

"Kung hindi lang sana inagaw ni Alyja ang pagkakataong iyon." Bulong niya sa kanyang isip habang tangan ang bulaklak at nakapikit pa ang mga mata.

"I knew it! Dito lang talaga kita makikita. Sobrang nag-alala ako sayo! You are not answering my calls and my messages. Akala ko kung ano na ang nagyari sayo! I missed you so much love!"

Napamulat at nanigas bigla ang katawan ni Alyssa ng marinig ang boses na iyon.

Nalito siya! Hindi niya alam ang gagawin! Tatakbo ba siya palayo o ano?!

Si Dennise. Nandito ang babaeng at some point gustong gusto niyang makita pero ito rin ang babaeng minsanang hiniling niyang huwag na niyang makadaupang palad.

Hindi naihanda ni Alyssa ang sarili sa sumunod na pangyayari.

Mabilis na tinawid ni Dennise ang distansiyang nakapagitan sa kanila at ginawaran siya nito ng isang halik sa labi.

Dahil sa labis na pagkagulat hindi nakareact ang dalaga sa ginawa ng girlfriend ng kapatid.

"I missed you so much love. Bakit hindi mo sinasagot ang mga text messages and calls ko?" Malumanay nitong tanong ng magkahiwalay na ang kanilang mga labi. Patuloy parin itong nakayakap ng may kahigpitan sa kanya.

Ilang beses na napanok si Alyssa, pakiramdam niya nanuyo ng sobra ang kanyang lalamunan at umurong narin yata ang kanyang dila, napahiling din siyang lamunin nalang ng lupa. Lol.

Ito na nga ba ang sinasabi niya!

"Ah, eh.." alanganin niyang wika. Wala talaga kasi siyang maapuhap na sasabihin dahil sa unexpected na pagkikitang ito.

"What love? Hindi ka na makapagsalita diyan? Nasurprise ka ba talaga o baka naman ayaw mo lang akong makita?" Naniningkit ang mata ni Dennise nang itinaas nito ang mukha paharap sa kanya.

Tumikhim siya ng dalawang beses saka nagsalita.

"Nasurpresa lang talaga ako. Hindi ko kasi inaasahang makikita kita dito." Pagkasabi noon ay agad niyang inayos ang pagkakasuot ng sumbrero. Baka kasi mahalata ng babaeng kaharap na iba ang kulay ng kanyang mga mata.

"Kung sinasagot mo lang sana ang mga tawag at text messages ko sana alam mong umuwi ako dito." Sabi nito na napatinging muli sa lupa.

Naalarma doon si Alyssa. May himig pagtatampo kasi sa boses ng babae, kitang kita din niya ang pagkawala ng kislap sa mga mata nito.

"Uuwi nalang ako. Regarless kung masaya ka o hindi sa pagkikita nating ito, gusto ko lang malaman mong - ako, masaya akong makita kang muli. Mapapanatag na ako atleast alam ko na okay ka lang." Sabi pa nito sa mahinang boses, habang pumipihit patalikod.

Ilang minuto ding nakatitig lang si Alyssa sa likod ng papalayong babae.

"Ah! Anak ng... Nagtampo pa yata! Seryoso ba talaga ito? Ano ang gagawin ko? Hahayaan ko nalang bang umalis iyon or kailangan ko siyang pigilan? Alyja tulungan mo ako!" Frustrated na napahilamos sa sariling mukha si Alyssa habang parang tangang nakikipag-usap sa sarili.

"Bahala na si Batman!" Naibulong niya ng magsimulang habulin ang babae.

"Dennise. Love. Hintay naman!" Pagtawag niya sa babae. Medyo malayo layo na ang distansiya nito mula sa kanya kaya hindi na siya nito marinig ng mabuti.

Pero hindi mawala wala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Love." Kahit alam niya hindi talaga sa kanilang dalaw ang katawagang iyon, may kakaibang dulot parin na kasiyahan sa puso niya ang simpleng pagbigkas noon.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now