13: The Song

450 19 5
                                    

"Besh, okay ka lang? Ito oh uminom ka muna ng tubig." Agad na tumayo si Ella at inabutan ng basong naglalaman ng tubig ang kaibigan.

"I'm fine besh. Salamat" Tipid na wika niya saka ininom ang likido. Kinapa niya ang bulsa para sana kuhanin ang panyo ng biglang lumapit si Alyssa.

"Entirely my fault. Sorry señiorita Lazaro. Kunin mo ito." Sabi ng dalaga habang inaabutan ng panyo si Dennise.

"Hindi ko sinasadyang gulatin ka. Sige na, take this." Sabi niya uli sa boses na punong-puno ng pag-aalala. Mabuti nga at naibuga ni Den ang sabaw, kung aksidenteng nalunok kasi niya, paniguradong sa ilong nito ang labas ng naturang likido. Masakit iyon.

Tinitigan lamang ni Dennise ang panyong nakabitin sa ere at inirapan ang dalagang humihingi ng paumanhin.

"Anong nangyari dito? Bakit namumula iyang mukha ni señiorita Dennise? Biglaan ang naging pagsulpot ni nanay Susana. Narinig marahil nito ang nagawang ingay nga mga taong nakapansin sa pangyayari. May dala itong tuwalyang pampunas. Iniabot niya ito kay Dennise na walang pag-aalinlangan naman nitong tinanggap.

"Ah wala po ito nay. Nasobrahan lang po sa paghigop ng sabaw ng niluto niyo. Masyado po kasing maanghang iyong linagpang eh." Pigil ang pagtawa ni Beatriz habang nagpapaliwanag sa matanda.

Narinig ni tatay Rene ang sinabi ni Beatriz. Nakalapit narin kasi siya sa grupo.

"Ganoon ba anak? Hindi ko kasi natikman iyong sabaw. Susana, nasobrahan yata sa anghang. Pasensiya kana señiorita. Si Alyssa kasi ang siyang naghanda niyan. Naparami yata ang nilagay mong siling labuyo anak?" Baling ng matandang lalaki kay Alyssa na nakatungo na at hawak hawak parin sa isang kamay ang panyong hindi tinanggap ni Dennise.

"Okay napo ako tatay Rene. Huwag napo kayong mag-alala. Hindi ko lang po naanticipate na ganoon iyon kaanghang." Tipid na ngumiti si Dennise sa dalawang matanda. Assuring him that she's alright.

"Masyado ngang bitter nay. Ay, maanghang pala!" Sabad ni Ella na ikinatawa uli ni Bea.

Isang nakakamatay na tingin ang natanggap ni Ella dahil sa sinabing iyon.

"Sigurado ka bang talaga anak? Sandali nga at ikukuha kita ng panghimagas para tuluyan ng nawala ang init ng iyong lalamunan. Rene, halika sumunod ka dito at tingnan mo iyong nilulutong barbeque ni Jimmy. Mamya niyan eh hindi na naman naayon ang lasa noon." Pahabol pa ng matandang babae bago tuluyang tumalikod.

Tumango nalang si Dennise sa kawalan ng masasabi.

"Maiwan ko na muna kayo dito señiorita, puntahan ko lang si Jimmy. Alyssa ikaw na muna ang bahala sa kanila." Halata sa boses ng matandang lalaki ang pagkabahala.

"Sama nalang din po ako sa inyo tay. Sige maiwan na namin kayo." Sa boses na mahina ay nagpaalam si Alyssa at sumunod sa matandang lalaki.

Magkasunod na pumasok sila sa kubo at dumeretso sa maliit na kusinang nasa likurang bahagi.

Sumunod parin si Alyssa sa matanda ng lapitan na nito si Jimmy.

"Jimmy, ako na diyan puntahan mo nga doon si Val at sabihing hinaan iyong tugtog sa soundbox. Lumalalim na ang gabi at nakakabulahaw na tayo." Utos niya sa binata na agad namang tumalima.

Maghahating-gabi na nga ng mga oras na iyon at ang ilan sa mga trabahador ay nauna nang umuwi para makapagpahinga. Partikular ang mga inang may mga alagaing maliliit na anak/bata.

"Mukhang mahihirapan kang paamuhin iyong si señiorita Dennise. Galit talaga sayo anak." Buong pag-aalalang wika ng matanda habang pinapaypayan ang barbeque na nakasalang.

"Naiintindihan ko po siya tay. Kahit naman po siguro sino magagalit kapag nalamang naloko sila." Mahinang wika niya saka naupo sa malapit na wooden stool.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now