Chapter One: Her Voice

1.3M 10.3K 839
                                    

Invisible Girl is now available in all Precious Pages Bookstore and National Bookstore nationwide.

AN: Hay... pagkatapos ng isang daang beses na pagmimini-mainimo, finally na-convince ko rin ang sarili ko na isulat ito. This is my first ever story here. And hopefully matapos ko ito (with crossed fingers ). Hope you like it . Enjoy reading.
©2013

CHAPTER 1: Her Voice

<MURIELS POV>

"Muriel, pinapatawag ka ni Maam Lorie sa opisina niya," wika ni Jena na bigla na lang sumungaw sa cubicle ko.

"Bakit daw?" Wala sa loob na tanong ko habang hindi inaalis ang mga mata sa monitor ng computer.

"Hindi niya sinabi pero malamang para pagalitan ka."

Doon tuluyang nakuha ang atensyon ko sa sinabing iyon ng kaibigan. Sa dalawang taon ko bilang IT Technician sa garment company na iyon, ngayon lang ako pinatawag ni Ma'am Lorie. Dalawa lang ang maaaring maging dahilan ng pagpapatawag niya. It's either may nagawa akong pagkakamali na hindi niya nagustuhan o may pag-uutos lang siya na related sa aking trabaho. Gayunpaman ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

"Galit ba siya?" May pag-aalala na tanong ko.

Ngumiti lang si Jena sabay alis at bumalik sa sarili niyang cubicle. Gusto ko tuloy isipin na baka ginu-goodtime niya lang ako.

Atubili akong nagtungo sa opisina ni Ma'am Lorie. Kung ilang beses akong napabuga ng hininga bago nagdesisyon na kumatok ng pinto at pinihit ang doorknob.

"Come in!" She said in a serious tone. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Morning, Mam Lorie. Pinapatawag n'yo raw po ako?"

Hindi siya kumibo, at sa halip ay may iniabot na kapirasong papel na agad ko naman kinuha.

"Read it... out loud!"

Bagaman nagtataka ay napilitan akong sundin ang iniutos niya at binasa ko ng malakas ang nakasulat sa papel. "B-baby, p-please, forgive me." Parang may kung anong sumabit sa lalamunan ko. Ano ba kasi itong kalokohang pinapagawa niya sa akin? "Im sorry. Really, really sorry. I know I was wrong and I realized that I still love you. Please lets start all over again."

" Perfect!" Maam Lorie said, sabay palakpak na ikinagulat ko. Para siyang director sa pelikula. Nababaliw na siguro siya!

"Thank God, I have you. Matutulungan ko na rin ang anak ko dahil sa 'yo," she added with a wide smile.

Kung ilang beses akong napakurap. Lalo lamang ako naguluhan.

"I need you, Muriel. Gagawin kong triple ang sahod mo at may bonus pa. Basta tulungan mo lang ang anak ko."

Awtomatikong namilog ang mga mata ko. Triple? At may bonus pa? Dapat matuwa ako sa narinig. But I had a feeling na hindi ko magugustuhan ang hihilingin niyang kapalit.

"Maam Lorie, ano po ba ng maitutulong ko sa inyo?"

"Hindi naman lingid sa 'yo ang nangyari sa anak kong si Riley." Bigla na lang lumungkot ang mukha niya. "After he lost his sight in a car accident, hes never been the same again. Naging bugnutin na siya at masungit. Palagi siyang nakasigaw at walang tumatagal na nurse. And worst of all, ayaw rin ni Riley na mag-undergo ng operation. Iyon na lang ang natatanging paraan para makakita uli siya."

Nabalitaan ko ang nangyari sa nag-iisa niyang anak. Mahigit dalawang buwan na ang nakararaan nang maaksidente ang minamanehong kotse ni Sir Riley. Ayon na rin sa mga tsismosa kong kasamahan sa trabaho, iniwanan daw ito ng girlfriend. At dahil broken hearted ay nagpakalango raw ito sa alak na naging dahilan ng pagkakaaksidente nito.

"Isang tao lang ang alam kong makakapagpabago ng isip ni Riley," pagpapatuloy ni Maam Lorie na nagpakunot ng noo ko. "But the problem is, I couldnt contact her anymore. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Samantha. Kaya naisip ko na gumawa ng ibang paraan. And that is where you come in."

"Ako? Ano naman po ang koneksiyon ko rito?" gilalas na tanong ko.

"Narinig ko ang boses mo kanina sa restroom. Buong akala ko nga, ikaw si Samantha. Magkaboses na magkaboses kayong dalawa," paliwanag ni Maam Lorie.

And so? Ano naman kung may kaboses pala ako?

"Samantha is Rileys ex-girlfriend and I want you to pretend like her. Riley will surely think youre her, dahil magkaboses kayong dalawa. All you have to do is bring back his old self and convince him to undergo the operation."

Hindi ako nakakibo. Parang ayaw mag-process sa utak ko ang lahat ng mga sinabi niya.

" So, can we start by next week? And dont worry, I will teach you to how to be like Samantha."

"Eh, Maam Lorie, hindi naman po kasi ganoon kadali ang gusto nyong mangyari."

Biglang lumungkot ang mukha niya at hinawakan ang dalawang kamay ko. Please, Muriel, youre my only hope. Please say yes!

My mind was saying no. Siguradong sakit lang ng ulo ang idudulot niyon sa akin. Besides, hindi gaanon kadali ang pinapagawa niya. And knowing my temper, kahit gaano pa kaguwapo si Sir Riley ay hindi siya exemption. Siguradong mag-aaway lang kaming dalawa.

Pero parang nilapirot ang puso ko nang muli akong tumingin kay Maam Lorie.

Hay, gulay!

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon