Destined

29.2K 2.5K 7.2K
                                    

Reign's POV

"They what?!"

Napaurong si Henri na nakatayo sa gilid ng higaan dahil sa biglaan kong pagsigaw.

Pagkatapos ba naman niyang sabihin sa'kin kung nasaan ang ibang Omegas ngayon?!

"This is unacceptable-" Akmang iaangat ko ang aking katawan nang itulak niya ako sa noo kaya napasandal ako.

"Aray!" reklamo ko.

"You can't even move your arms," paalala niya sa'kin. "What makes you think you can leave the bed?"

Ipiniling ko ang aking ulo sa direksyon ng aking kanang kamay na nakahimlay lang sa tabi ko. 

Kumunot ang aking noo nang subukan ko itong galawin ngunit kahit anong pilit ko, isang kibot lang ng daliri ang nakaya kong gawin.

Nagpakawala ako ng pagod na hininga sabay sandal sa higaan.

"Ayoko nito," mahina kong sabi.

"It was your decision to carry the weight of the entire island."

"Or what?" Sinamaan ko siya ng tingin. "I'm not going to let my parents' legacy fall, Henr-"

"The Academy is not your parents' legacy, Reign," matigas niyang pagkasabi. "Your parents' legacy is you."

Umiwas ako ng tingin.

"Now, eat."

If I could cross my arms right now, then I would have. "Ayoko."

Mula sa sulok ng aking mga mata, sinulyapan ko ang porridge bowl na nasa kamay ni Henri.

Doc said I can't eat hard foods yet because it would hurt my throat and esophagus that are sensitive right now. In fact, he also told me that every part of my body has become sensitive to the slightest touch, and even blunt objects can hurt me, because I am under extreme fatigue.

I shifted uncomfortably on the bed after I felt something sharp under my side.

Napansin ito ni Henri kaya sinuri niya ang pagkakalagay ko sa higaan, at sa sandaling napansin niya ang nalukot na bahagi ng sapin sa ilalim ng aking tagiliran, ibinaba niya ang bowl sa bedside table at inayos ito.

Napalunok ako, pinipigilan ang aking sarili na maiyak sa kondisyon ko ngayon.

Dahil kahit sa sapin ng higaan, nasasaktan ako, kaya simula nang magising ako kaninang hapon, si Henri na ang siyang tagaayos nito, pati ng unan ko sa tuwing napapansin niya akong napapangiwi o napapaigtad nang kaunti.

Itinagilid ko ang aking ulo pataliwas sa kanya.

Ginawa ko lang naman ang tama, pero bakit naging ganito ang kinahantungan ko?

Nagsimula nang mamasa ang aking mga mata nang maramdaman ko siyang gumalaw, para siguro kunin ulit ang bowl.

"Reign..." mahina niyang tugon. "This is the fourth bowl I requested so you can eat it warm."

"Just because I'm paralyzed, doesn't mean I can't feed myself."

"Then move."

Kinisap-kisap ko ang mga luha na namumuo sa aking mga mata.

"I-I'll move..." bulong ko. "Eventually."

"But you have to eat now," giit niya. "You only glared at the nurses who offered to feed you-"

"Mom," sambit ko. "Call my Mom."

"The doctor already did," pagbibigay-alam niya. "But she can't leave your home because your dad is out of the country."

Legends of Olympus (On Hold)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz