Africa

19.8K 1.9K 2.4K
                                    

Bella's POV

"Three thousand four hundred one..."

Pinugutan ko ng ulo ang isang huntsman gamit ang aking dalawang katana. "Three thousand four hundred two..."

"Three-four-" Sinipa ko ang isa pang huntsman at bago pa siya mapaatras ay pinahilig ko ang dulo ng aking blade sa lalamunan niya para gilitan ang kanyang leeg. "Zero-three!"

 Umikot ako. "Three thousand-"

Napahinto ako nang malamang wala nang natirang huntsmen.

"Ha?!" Umikot-ikot ako sa kinatatatuyan ko. "Wala na?!"

Paano nangyari yun?!

"Eeeeh?" Luminga-linga ako. "Bakit?!"

'You killed them all,' sagot ni Isa sa aking isipan.

"Hindi pwede!" Paupo akong bumagsak sa lupa. "Nagbibilang lang naman ako, ih! Ba't namatay agad silang lahat?!"

Sunod-sunod na nagsilabasan ang aking mga luha habang nakayuko sa labas ng isa sa safari camps ng huntsmen.

Hindi ko naman pwedeng patayin yung giraffes na andito! Tsaka lions at zebras!

Suminghot ako at dahan-dahang itinapat ang dulo ng aking blade sa dibdib ko.

Ba't hindi nila ako nagawang patayin habang buhay pa ako...

'Bella,' nagbabantang sambit ni Isa dahilan na mapahataw ako sa lupa.

"Isa naman, ih!" pagpupumilit ko. "Dapat may malalim na sugat ako kahit isa lang!"

"Baka-" Nagsimula akong mag-isip-isip ng paliwanag. "B-Baka di maniwala yung allies na ako yung nagpatay ng mga kalaban tapos aakalain nilang may bago na naman tayong kalaban!"

Sumingkit ang aking mga mata. "Dun d-dun dun..." naiiyak kong closing remark.

Mabilis ang paglingo'ng ginawa ko sa hyena na lumapit sa isa sa mga bangkay ng huntsmen. 

Ilang sandali pa'y lumiwanag ang aking mga mata.

At dahil hindi ako nagawang patayin ng huntsmen, magpapapatay nalang ako sa hyena!

"Hyena..." bulong ko. "May mas sariwang karne dito, oh..."

Nagkasalubong ang aming tingin ng hyena.

Inangat ko ang aking kamay at pinagkuskos ang mga daliri ko. "Tsk tsk tsk..." 

Matagal-tagal nito akong tinitigan. Bahagya pang bumaba ang kanyang nguso bago dahan-dahang lumapit sa kinauupuan ko.

Tama yan!

Nakataas pa rin ang aking kamay nang lapitan ako nito at inamoy-amoy ang braso kong nabalot sa dugo ng mga kalaban.

Humagikgik ako.

Bumukas ang bibig ng hyena kaya hinanda ko na ang sarili kong makagat.

Bilis! Bilis!

Nang biglang tumilapon ang hyena pagkatapos bumaon ang isang dagger sa tagiliran nito. 

Nagpakawala ito ng nangingiyak na ungol bago dumausdos sa lupa.

Bigla akong nakaramdam ng hapdi sa likod ng balikat ko kaya hinugot ko ang isa ring dagger na naramdaman kong sumaksak dito.

Kumibot-kibot ang aking ulo nang lingunin ang isang lalaking huntsman na may dalang daggers. Nanlalaki rin ang aking mga mata, hindi makapaniwala sa ginawa nila sa hyena, na siyang pag-asa ko sa karumal-dumal kong pagkamatay.

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now