Elysian War II

24.5K 1.2K 2.3K
                                    

Reign's POV

May dalang kakaibang hapdi sa aking mga mata ang itim na karagatang unti-unting dinudungisan ang Elysium.

Grey.

He promised he wouldn't make a mess out of this war, and though he purposely let enemies in because he believed we had no choice but to face them in this realm, it was still...

"A mess," bulong ko.

Nanatili akong nakatayo sa dulo ng talampas na kinaroroonan ng templo, minamasdan ang pagpasok ng mga kalaban. Kung bakit andito pa rin ako, ay dahil gusto kong makita kung saan nagsisimula at nagtatapos ang kapangyarihan nila.

They have the power of the mist with them, which means there's really no use of using the mist to counter them as well, since some of them can control, or learned how to control it.

Kumibot ang isang mata ko sa inis nang maalala kung sino ang nagbigay ng kapangyarihang ito sa kanila.

Huminga ako nang malalim, sabay taas ng aking noo, nang mapagtantong hindi lang ang kapangyarihan ng mist ang ipinagkatiwala niya sa kanila, dahil binigyan niya rin sila ng kapangyarihang katulad ng sa amin.

They have it alright.

The power to control light... the earth... the shadows... the plants...

And he didn't just give them power.

Pinakawalan ko ang aking hininga habang nakatuon sa maiitim na chariots na lumabas mula sa usok na nakatipon malapit sa butas ng barrier.

Henri gave them everything.

Bumaba ang aking tingin sa mga halimaw na kapapasok lang ng Elysium.

Technology... monsters...

They have darkened half of the sky of Elysium, and they threatened to bring the shadows and dominate the remaining light of the land behind me.

Bahagya kong nilingon ang kalahati ng Elysium kung saan maliwanag pa.

Umangat ang isang sulok ng aking labi, dahil nagawa ko pa ring tingnan ang natitirang liwanag kahit sobrang dilim na ng nasa aking harapan.

Inilahad ko ang aking kanang kamay sa ilalim ng araw.

Dama ang init, lumiwanag ang aking palad, dahil sa paglabas ng kislap ng kuryente na pakapal nang pakapal.

Sa kabila, itinaas ko ang aking kaliwang kamay at dama ang lamig na dala ng dilim, kinolekta ko ang mist sa aking mga daliri.

My brother was right.

We didn't get to choose the battlefield.

But we get to choose how to start and end it.

The scale of good and evil is tipping, and in this war where I'm caught in between the dark and light...

 I choose to face the darkness, with light behind me.

Hindi ko naiwasang mapangiti nang mapagtantong baka narinig nga ako ng kalangitan, noong hiningin kong ibigay nila sa'kin lahat. 

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now