Game of Thrones

29.4K 2.3K 2.7K
                                    

Reign's POV

Kinapa-kapa ko ang mga papel at libro na nakapaligid sa'kin. Kumunot ang aking noo, bago ko dahan-dahang iminulat ang aking mga mata at nalamang umaga na.

Ilang segundo akong napatitig sa kisame habang nakahilata sa sahig.

'Henri, son of the lady of the white sea, and of Destiny.'

Namimigat pa ang katawan ko nang maupo ako.

Inilibot ko ang aking paningin sa nakakalat na mga dokumento at libro na naglalaman ng impormasyon tungkol sa tadhana, sa mga Moirai na silang greek goddesses of fate, at tungkol kay Destiny na deity na mismo.

So yesterday wasn't a dream?

Napahawak ako sa buhok kong nagkagulo-gulo. Malakas akong napabuntong-hininga at bumagsak ulit sa sahig.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

The moment Mnemosyne announced Henri was the son of Destiny, the entire hall erupted into chaos.

Bumagsak ang aking palad sa aking noo.

Hindi ako natuloy sa counselor's office dahil nagkaroon ng meeting ang faculty pagkatapos ng ceremony, at inanunsyo rin na mapo-postpone ang first day of classes. Dahil pinatawag ng council of Elders ang principal at ang leading members ng staff.

Three days. We get three days to cope with the news.

Hinilamos ko ang aking palad hanggang sa mapahawak ako sa aking bibig.

This is the first time in my entire life that I have no idea what to do.

"Mama," bulong ko.

But Mom's not here, and not even my Dad.

Gumulong ako pataob sa sahig. "Anong gagawin ko?"

I heard a few knocks on my door. Hinayaan ko lang itong kusang bumukas para ibunyag ang boses ng kapatid ko.

"Reign, it's-" Napahinto siya. 

Itinaas ko ang aking kamay at binigyan siya ng thumbs up. "Buhay pa ako."

Narinig ko ang yabag ng mga paa na papalapit sa'kin. Bahagya kong inangat ang aking ulo at nakita sa Grey na nakayuko habang nakatupi ang isang tuhod sa tabi ko.

I let out a groan as my head fell on the floor again.

"Good to see you in a mess for once," puna niya, kahit alam naman niyang ilang beses na akong nagkaganito pero siya pa nga lang ang nakakakita.

Pinikit ko ang aking mga mata. "Pakigising nalang ako kapag natahan na yung ibang mga estudyante-"

"Oh, no." Tinulak niya ako kaya't gumulong ako paharap. "You need to face the student press."

Tinignan ko siya. "Nasa labas pa rin sila?"

Binigyan niya ako ng isang naninimpatyang ngiti.

"Ayoko," sambit ko.

Inabot niya ang kanyang kamay. "Come on, beautiful," aniya. "Let's get you up."

Matagal-tagal akong napatitig sa kamay niya bago tanggapin ito. Hinila niya ako pataas. Gayundin ang pagtukod ko ng aking mga paa hanggang sa makatayo ako.

"You're still wearing your clothes from yesterday."

Yumuko ako para tignan ang uniform na suot ko.

"Yung party?" usisa ko. "Kamusta?"

"Nothing unusual," sagot niya.

Napabuntong-hininga ako.

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now