Ultimate Control

23.4K 1.9K 2.9K
                                    

Amber's POV

Sabi ko na nga ba. Auraic Studies lang ang makakapanghina sa'min.

Kagigising ko nga lang pala ulit sa clinic kaninang umaga.

Isang aurai ang pumasok sa nakabukas kong cubicle. Tulak-tulak niya ang isang trolley kung saan nakapatong ang mga pagkain at mayroon ding isang pitsel ng juice para lang sa'kin.

Naglagay ang aurai ng tray sa harapan ko at habang nilalapag niya rito ang mga pagkain, sinamaan ko ng tingin si Bella na nasa katapat kong cubicle.

Kagigising lang niya at walang nurse na nagtatangkang lumapit dahil sa nandidilim niyang cubicle.

"Hoy!" tawag ko sa kanya. "Kumain ka na!"

Suot niya ang isang dismayadong simangot. Nakahalukipkip din ang kanyang mga braso sa dibdib. "Hindi ako namatay!"

"Tumahimik ka nga!" sigaw ko sa kanya. "Kaya di pa nagigising si Reign hanggang ngayon dahil sa'yo, eh!"

Saka ko nilingon ang aurai. "Sigurado po ba talaga kayong buhay pa si Reign?" nag-aalala kong tanong. "Naubos niya enerhiya niya kakaprotekta sa'min, eh."

Tumango-tango ang aurai. "She was, on the verge of death, after she walked out of that room and-"

"Teka." Pinutol ko ang sasabihin niya. "Verge of death?"

"Yes," sagot ng aurai at naglagay ng tissue sa tabi ng plato ko. "Her heart was unexceptionally beating slow when she called to send you here in the clinic."

Itinukod ko ang aking mga palad sa higaan sabay angat ng katawan para maayos ko ang aking pagkakaupo sa higaan.

Kumunot ang aking noo.

Ang naaalala ko, ginawa na namin lahat upang mapatagal ang barrier pero hindi pa rin tumigil ang pagbuhos ng asido at pagbagsak ng mga kidlat, kaya unti-unting naglaho ang barrier ng bawat isa sa'min.

Ako nga ang naunang naubusan ng aura, tapos nilapitan ako ni Ash para ipaloob sa barrier niya.

Sino bang hindi mapapagod sa kaso ko, eh, apoy kaya yung kapangyarihan ko? Sobrang init sa katawan at nawalan na ako ng lakas na panatilihin ang barrier nang makaramdam ako na parang niluluto na yung laman ng katawan ko.

Ayon nga, isa-isa kaming nawalan ng barrier at yung natira, kahit sobrang nipis na ng barrier nila, ay pinili pa rin nilang ibahagi ito sa'ming napagod na.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas n'on, pero tandang-tanda ko kung paano ipakalat ni Reign ang nangangapos niyang barrier para maghugis-dome sa gitna ng silid kung saan ipinaloob niya kaming lahat. 

Di nagtagal, nagkabutas-butas din ang kanyang barrier kaya natamaan kami pero saglit lang dahil bumuo rin ng isa pang layer ng barrier si Henri, at pinatatag yung kay Reign.

At sa sandaling patahan na ang kidlat at asidong ulan, dahan-dahan akong nawalan ng malay dala ng sakit sa natamo kong mga sugat, at matinding pagod na rin.

"Di ko kaya sinadya yun!" ani Bella.

"Hoy! Kilala kita! Magpinsan tayo!" nangangalit kong paalala sa kanya. "Kaya sumunod ka sa'kin kasi gusto mo ring matulad ko na natamaan!"

Humaba ang nguso niya. "Di nga kasi!"

"Eh ba't ka nakangiti nung naglaho yung barrier mo?!" naiinis kong tanong.

"Masakit kasi!" 

"Baliw- amputa," puna ko.

Isa pa tong si Bella.

Legends of Olympus (On Hold)Where stories live. Discover now