Love Story

26.7K 2.2K 4.5K
                                    

Reign's POV

Umiinom ako ng tsaa sa greenhouse habang tinuturuan ni Amber yung kambal niya kung paano maglakad na parang isang runway model.

Next month pa yung intramurals namin pero next week na ang announcement of representatives para sa games, and of course, pageants.

Usually, sina Vance at Zack ang nagdadala ng class namin sa pageant, pero nasa ICU pa rin sila at di na kami sigurado kung makakaabot ba sila sa announcement.

Which is why, Ash will serve as the back-up.

We didn't bother to ask Grey because we know he'd say 'yes' and then disappear during the pageant like what he did to us once. Sinubukan din naming tanungin si Henri pero umiling lang siya at sinaraduan pa kami ng pinto.

Katabi ko sa kasalukuyan si Paige na kunwari nagbabasa ng libro pero panay naman ang pagsulyap kay Ash. Nasa tabi niya rin si Grey na nakangiti habang nakamasid, at sa kabilang gilid ko naman nakaupo si Henri na nakakunot ang noo.

Gods know where Bella is. She may just be inside her room or lurking in a corner. She's basically everywhere at this point, with her ability to blend in with the light and the shadows.

"Okay, kambal, maghubad ka na."

"Pfft-" Agad kong naibuga ang iniinom ko.

Maingay na nahulog ang libro ni Paige.

Napaubo-ubo ako saka kumuha agad ng tissue. Nagmamadali namang pinulot ni Paige ang kanyang libro at sabay naming inayos ang aming mga sarili, niwalang-kibo ang nangyari.

"You mean I should change to a chiton?" tanong ni Ash.

Tumango-tango si Amber.

"I'll be back in a few minutes," aniya saka lumabas ng greenhouse.

"Suotin mo na rin yung headpiece, ah!" sigaw pa ni Amber sa kanya.

Chiton is the garment worn by the Ancient Greeks. Para lang itong light and flowy tunic na nakabalot sa katawan. It can be long or short, and it can be worn in different styles.

Habang hinihintay si Ash, humilig ako papalapit kay Paige at pabulong na nagtanong, "Are we really sure we want him to join?"

She also leaned to the side and whispered back. "You think she'll get mad at us?"

"Sa tingin ko alam na niya, eh."

"I think so too," sang-ayon niya. "She's a goddess."

"Magpapakita naman siguro 'yon kung di siya papayag, 'no?" tanong ko. "Na pasalihin natin sa pageant yung boyfriend niya?"

Tumango si Paige.

We leaned back to our chairs and continued to mind our business.

I finished my cup of tea and grabbed the teapot for a refill. Isa-isa ko ring sinulyapan ang mga tasa nila at nang makitang walang laman yung kay Henri, tinignan ko siya.

"Want me to pour you tea?" I asked.

Nakahilig siya sa kanyang upuan habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. Sinulyapan niya ako bago mapatingin sa kanyang tasa.

Hindi siya sumagot. Ni hindi nga siya tumango o umiling, dahil inalis lang niya ang kanyang atensyon mula sa'kin.

Napakurap-kurap ako sa inasta niya.

Ano yun?

Ibinalik ko ang teapot sa gitna ng mesa, takang-taka kung anong ginawa ko sa kanya para iwasan ako ng pansin.

Legends of Olympus (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon