Kabanata 60

1K 43 7
                                    


"Gising na, Parker. Dismissal na." Sabi nung librarian.



Buong maghapon akong tulog sa library? Langya. Sana nagclinic na lang ako. Naiinis kasi ako kay Haguines kaninang practice sa Social Dance. Kadiri. May prom-prom pa kasing nalalaman. Ang manyak kasi. Pero hindi ako umiyak. Nagalit ako sa ginawa niya kaya kung pwedeng magpalit ng partner, gagawin ko. Prom-prom pa kasi. daming alam. Di naman talaga ako pupunta.



Pinagalitan ako ng choreographer kasi ilang oras akong wala and guess who is she.. Siya si Sakura, yung ex ni Kuya Niel. Small world.



Nasa labas na ako ng campus ng bigla akong harangan ng sampung babae.



"Hoi teka! San niyo ko dadalhin?" Leche tong mga babaeng to ah. Pauwi na nga lang ako, kakaladkarin pa ako. San ba to? Walanghiya.



Tumigil kami sa may bakanteng lote. Hindi ko alam kung saan ang lugar na to. Hayop naman o. Gusto ko ng magpahinga.



"Hoi! Walang ganyanan!" nagpupumilit akong kumawala pero nilagyan nila ng blindfold yung mata ko. Mga siraulo itong mga babaeng ito.



Inilalayan nila ako. Wala akong makita. Napakatalaga itong mga babaeng to. Kung lalaki lang siguro ako, naghubad na ko dito para nauto ko sila sa charms ko.



"San niyo ba ko dadalhin!?" Mamaya sa eskinita na puro lalaki na nag-iinuman nanaman ang abot ko dito. Ang tagal-tagal na rin naming naglalakad.



Tumigil kami at may nagtanggal ng blind fold ko. Tinignan ko yung paligid ko, walang katao tao. San ba to?




Madilim, nakakatakot, mapuno, mapanglaw at walang katao-tao. Dito na ba ako titira? Sana dito na dahil mas gugustuhin ko pa pero malamig ang hangin at may mga arrow na nakaturo kung saan ka dapat tumungo. Sinundan ko iyon hanggang sa may nagbato sakin ng isang volleyball sa likod ko. Nakakaputa. Gabing-gabi na. Kung buhay pa siguro mga magulang ko, baka hinanap na ko ngayon.



Kung isa tong prank, hindi ko gugustuhin. Nakakapagod kaya sumayaw sa taong pinaka-ayaw mo. Tas pagtitripan ka pa. O diba? Bang bang!




"BLOCK! SET! SPIKE!" Nakasulat dun sa volleyball. Para san to? Ano meron? Paglalaruin ako ng volleyball kung kailan tapos na ang lahat? Hala ka.




Habang naglalakad ako, may nagbato sa gilid ko, buti nasalo ko. Nakakaasar to ah.

Panget Ako! Palag Ka?Where stories live. Discover now