Chapter 2 ~ Ang Bagong Kaibigan

25 4 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


"Sa wakas ay uwian na." Wika ni Ada sa sarili.

Napatingin ulit siya kay Kent na tumayo, tinitigan naman siya nito ng masama at dumiretso na sa paglalakad papalabas.

"Hmp! Kala mo kung sino!" wika ni Ada.

Inaayos na ni Ada ang mga gamit niya na my kaklase siyang lumapit sa kanya.

"Hi! Ada right?" tanong nito.

Nakangiting wika nito, simple lang ito at nakasuot ng salamin.

"Oo." sagot niya.

"I'm Joice." nakingiti ito at nakipagkamay sa kanya.

"Pauwi ka na rin ba? Tara sabay na tayo." yaya nito sa kanya.

"Sige." nakangiting sagot ni Ada at sabay na silang naglakad papauwi.

"So, transfery ka pala? Bakit ka nag transfer dito?" tanong ni Joice sa kanya.

"Eh, kasi lumipat na kami ng bahay." sagot ni Ada.

"Ah ganun ba? Pero kilala mo talaga si Kent?" usisa ulit nito.

"Ha? Hindi, hindi ko siya kilala." wika ni Ada.

"Ganun ba? Alam mo ba halos lahat ng babae at mga bakla dito may crush sa kanya." nakangiting wika ni Joice.

"So, ibigsabihin pati ikaw may crush sa kanya?" tanong ni Ada.

Tumango si Joice habang nakangiti.

"Oo, alam mo simula ng first year high, crush ko na si Kent. Halos lahat ng babae nagkakandarapa sakanya! Tingin niya pa lang, parang hihimatayin ka na! Nagbigay din ako sa kanya ng love letter dati sa locker niya, kaso binasura lang nya. Kaya nga nakakalungkot, kasi gragraduate na tayo, hindi ko na makikita si Kent." malungkot na sabi nito.

"Hayaan mo na yun si Kent, marami naman iba dyan noh! Sigurado, may makikita ka pang mas gwapo kay Kent!" sagot ni Ada.

"Hindi, hindi ko kayang kalimutan si Ken! " umaarteng iiyak ito.

"Hay naku, sige na mauna na ako, parating na yun bus eh." paalam ni Ada.

"Ok sige bye! Ingat ka! " wika ni Joice.

"Ok, ikaw din!" wika ni Ada.

At sumakay na nga ng bus si Ada.

Nang makauwi sa inuupahang maliit na kwarto ay agad siyang nagpalit ng damit pamasok sa kanyang part time job, sa isang coffee shop. Sa 'di kalayuan lamang ang kanyang pinapasukan, kaya nilalakad lamang niya ito. Masigla siyang bumabati sa mga customers na pumapasok sa coffee shop. Ilang buwan pa lang siyang nagtratrabaho dito at napansin niyang mga mayayaman o mapera ang kanilang mga customers dahil sa mamahalin ng kanilang kape at mga cakes.

Pagkatapos niya dito magtrabaho ay tska pa lang siya kakaen ng hapunan. Minsan ay nakakalimutan na din niya kumaen dahil sa sobrang pagod. Pag uwi niya ng bahay tumawag ang kanyang Mama.

"Hello" sagot ni Ada.

"Hello, Iha bakit di ka sumagot sa tnext ko sayo kaninang umaga?" tanong kaagad nito sa kanya.

Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon