Chapter 3 ~ First Kiss

23 4 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Kinabukasan nga ay nagmeeting ulit sila tungkol sa kanilang project pagkatapos ng kanilang klase. Nagpasa sila lahat ng kanya-kanyang proposal para sa kanilang project na gagawin. Isa-isang binasa iyon ni Kent.

"Kent, ito oh, nag dala akong juice and sandwich, baka magutom ka eh." wika ni Charm.

"Thanks!" maikling wika ni Kent.

Ngunit hindi man lang ito tumingin kay Charm, patuloy parin ito na nagbabasa.

"Miss, pakibili mo ko ng water!" wika ni Kent.

"Ha, ako?" maang na tanong ni Ada kay Kent.

"Oo, ikaw!" matalim na tingin ni Kent sa kanya.

Kumunot ang nuo ni Ada, "Pero may juice ka na ah?" sagot naman ni Ada.

"Sige na girl, bumili ka na, go!" wika ni Jenny.

At napilitan na lamang na tumayo si Ada at sumunod. Pagkabalik niya ay nakita niyang seryosong nagsasalita si Kent, habang nagpapaliwanag tungkol sa project nila. Inilagay naman ni Ada ang dala niyang tubig sa lamesa. Habang nagpapaliwanag si Kent, ay isinusulat nila ang mga gagawin ng bawat isa. Pagkatapos ay isa-isa na silang tumayo.

"Wait!" wika ni Kent habang nakatingin kay Ada.

Natigilan naman silang dalawa ni Joice.

"Ha, bakit?" tanong ni Ada.

"Maiwan ka, dahil late ka. Joice, you can go!" wika ni Kent.

"Teka, bumili ako ng water mo di ba?" sagot ni Ada.

"Kaya nga, maiwan ka." wika ni Kent.

Umupo ulit si Ada sa upuan. Nang makitang umalis na si Joice ay tska lamang nagsalita ulit si Kent.

"Pwede ba tayong gumawa ng project sa bahay nyo?" tanong ni Kent.

"Ha, ah ano kasi..." nag-aalangan na wika ni Ada.

"Ano?" tanong ni Kent.

"Hindi kasi pwede sa bahay." sagot ni Ada

"Bakit hindi pwede?" tanong ni Kent.

"Ano kasi, eh malayo." wika ni Ada.

"Malayo? So, gaano kalayo?" tanong ulit nito.

Napakamot naman sa ulo si Ada, bakit ba pinagpipilitan nito.

"Actually, sa kabilang City pa yun bahay namin. Ako, nagrerent lang ng kwarto dito." paliwanag ni Ada.

"Ah so, mag isa ka lang?" wika ni Kent.

"Uuhm..." tango ni Ada.

"Ah, wala ka na bang ibang sasabihin, may pupuntahan pa kasi ako eh." wika ulit ni Ada.

"May pupuntahan ka? Hmm, may date ka?" tanong ni Kent.

"Ah hindi! May work kasi ako." sagot ni Ada.

"Saan?" tanong ni Kent.

"Malapit lang sa tinitirhan ko. Sige ah, mauna na ko." Tumayo na si Ada at nagmadaling umalis.

Lost StarWhere stories live. Discover now