Chapter 16 ~Free Lunch

17 2 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Pagkatapos ng klase ay agad na iniayos ni Ada ang kanyang mga gamit at inilagay sa loob ng kanyang bag.

Habang inaayos niya ito, ay may tumawag kay Ada na kaklase niya, at sinabing may naghahanap sa kanya sa labas.

"Ada! May naghahanap sa iyo." sabi ng kanyang kaklase at narinig din ito ni Kent.

Si Kent naman ay nilapitan si Alfred at sabay silang lumabas ng room.

"Ada!" biglang pumasok si Mark sa pintuan na nakangiti at dahang-dahan na lumapit sa kanyang upuan.

"Oy, Mark!" Sabi ni Ada habang papalapit si Mark sa kanyang upuan.

"Ah, bakit ka narito?"" tanong ni Ada kay Mark.

"Yayayain sana kitang maglunch eh." sabi ni Mark.

Napaisip naman si Ada, alam niyang ayaw ni Kent na kasama niya si Mark at tumingin pa ito ng matalim sa kanya bago lumabas ng kwarto. Nag-isip ni Ada ng dahilan para iwasan si Mark.

"Ah, kasama ko na kasi si Joice." Pagdadahilan ni Ada, habang itinuro si Joice na nag-aayos din ng kanyang gamit.

Lumingon naman si Mark kay Joice at lumapit siya dito at niyaya din niya itong maglunch.

"Joice, sama ka sa amin maglunch ni Ada." sabi ni Mark habang nakangiti ito.

"Sige ba, basta liber mo?" Pagkutya niya kay Mark.

"Oo naman. Sige, sagot ko na lunch natin." Masayang sagot ni Mark.

Pagkatapos ay lumapit na sila kay Ada at sinubukan ni Mark na hawakan at dalhin ang bag ni Ada, subalit tumanggi si Ada na dalhin ni Mark ito.

"Ako na ang magdadala ng bag mo." Sabi ni Mark.

"Ah, 'wag na, okey lang. Kaya ko na 'to." Umiiling na pagtanggi ni Ada at hinila ang kanyang bag mula kay Mark at inilagay ito sa kanyang balikat.

"Okey." Nasabi na lang ni Mark at sabay-sabay silang lumabas ng room.

Habang naglalakad at pinagmamasdan ang likuran ni Ada ay naalala ni Mark na dati ay lagi niyang dinadala ang bag ni Ada, kung minsan pa nga ay si Ada mismo ang nagkukusang ibigay sa kanya ang bag nito para bitbitin, subalit ngayon, ay nanibago siya kay Ada. Napaisip tuloy siya at nagtaka, dahil kahit dulo ng bag ni Ada ay hindi na niya mahawakan.

Pagdating nila sa canteen agad silang nagpunta sa food counter at nag-order ng pagkain, samantalang naghanap naman si Joice ng lugar na mauupuan nilang tatlo. Agad namang nakahanap si Joice ng kanilang mauupuan at hinintay niya sila Ada at Mark na dumating.

Nang linisan nila ang food counter, ay luminga-linga sila at nakita nila ang kaway ni Joice sa kanila at lumapit sila dito at umupo sa lamesa.

Habang, masayang nag-uusap sina Mark, Ada at Joice habang kumakain. Ni hindi napansin ni Ada na kanina pa nakatitig sa kanila si Kent.

"Hey Mr.Jealous." Nagbiro si Alfred kay Kent.

Nang marinig niya iyon, tumingin siya nang masama kay Alfred at uminom ng water.

"Hindi noh." Maikling sumagot si Kent.

"Hindi daw? Eh, kanina ka pa nakatingin sa kanila habang kumakain eh." Sabi ni Alfred.

"Bakit? Mali bang tingnan ko ang asawa ko?" sabi ni Kent habang nagslubong ang kanyang kilay na nagtatanong kay Alfred.

"Peace Bro! Biro lang, ito naman." Sabi ni Alfred habang itinaas ang kanang kamay at nag sign ng peace kay Kent.

"Let's go." Pagkatapos ay tumayo na si Kent at naunang maglakad. Dali-dali namang sumunod si Alfred sa kanya.

At nang dumaan sila Kent sa lamesa nila Ada, ay bigla siyang huminto at nakiinom sa softdrink ni Ada. Agad silang nagulat sa ginawang iyon ni Kent.

"I want your drink." Sabi ni Kent at uminom ito sandali at muling naglakad.

Nagulat sina Ada, Joice at Mark sa ginawa ni Kent, sa pagkakakilala nila kay Kent ay ni minsan ay hindi ito nakihalubilo sa iba. Lagi lang nitong kasama si Alfred at aloof sa mga girls. Kaya naman laking gulat nila at pagtataka sa ginawa nitong pag-inom sa softdrink ni Ada.

"Ano ang nangyari kay Kent?" tanong ni Joice habang nakakunot ang noo.

"Alam ko nga, ay aloof siya sa kababaihan." Sagot ni Mark.

"Oo nga, pero bakit siya nakiinom?" sabi ni Joice

"Hindi ko alam, baka nauuhaw lang siya?" sabi ni Mark habang iginalaw ang kanyang balikat habang tumugon.

Hindi alam ni Ada ang sasabihin, nagulat din siya sa ginawa ni Kent.

"Ada, kung alam ko lang na daraan at iinom dyan si Kent, sana kanina ay dyan na ako umupo." Panghihinayang ni Joice.

"Talagang lang?" Sinabi ni Ada at dahan-dahan na uminom sa softdrink na ininuman ni Kent.

"Naku!" sigaw ni Joice.

"Bakit?" Nagulat naman si Ada sa pagsigaw ni Joice at naihinto ang pag-inom sa bote ng softdrink na may straw.

Mabilis na dinampot ni Joice ang bote ng softdrink na hawak-hawak ni Ada at nagpaliwanag.

"Kapag uminom ka dito sa ininuman ni Kent, ay matuturing isang inderect kiss! Kaya, ito ay akin na lang." sabi ni Joice habang nakangiti sa bote na hawak.

"Ha? Grabe naman ito sa tuwa. Eh, ano ang dapat kong inumin?" tanong ni Ada sa kanya.

Ibinigyan ni Joice ang juice niya kay Ada at sinabing, "Ito na lang sayo, palit tayo."

"Oh, ganun ba." Wala namang nagawa si Ada kundi tanggapin ang juice ni Joice.

Pagkatapos ay dahang-dahan na uminom si Joice sa bote ng softdrink na may straw at dinama ang halik ni Kent.

"Uhmm, ang sarap... Ang sarap ng kiss ni Kent." Nakangiting sabi Joice na tila ba nakatulala sa hangin.

Nagtinginan naman si Ada at Mark at sabay na nagtawanan. Natawa sila sa reaksyon ni Joice na tila ba tunay na nahalikan ni Kent.

"Ha, ha, ha." sama-sama silang nagtawanan.

Habang pinagmamasdan si Joice sa kanyang kahibangan, ay naalala niya ang paghalik sa kanya ni Kent, kaninang umaga sa loob ng kotse. Napaka-init ang mga halik na iyon ni Kent, at tila ba ay na niyang matapos pa.

Napalunok naman si Ada, habang inaalala iyon at yumuko siya habang ipinagpatuloy ang pagkaen.

Nang matapos silang kumain, ay bumalik na sila sa kanilang silid, nagpaalam si Mark sa kanila, para bumalik na rin ito sa sarili niyang room.

"Sige Mark, salamat sa libre mo!" Masayang sabi ni Joice at tinapik ang braso ni Mark.

"Wala yun. Sige, papasok na rin ako sa room ko. Magkita na lang ulit tayo mamaya sa uwian." Paalam ni Mark.

Pero ngumiti lang si Ada sa kanya at kumaway, at hindi na muli pang nag salita si Ada. Hanggang sa makaalis na si Mark.

Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon