Chapter 63 ~ Ang Paggising sa katotohanan

18 1 0
                                    

Tumagal din ng ilang oras bago nagising si Ada.

Minulat niya ang kanyang mga mata nang makita niya si Kent sa tabi niya habang hawak ang kanyang kanang kamay. Habang nakaupo siya sa gilid ng kama niya.

"Ada, gising ka na pala." Sabi ni Kent nang maramdaman niya ang paggalaw ni Ada.

Ngunit walang sinabi si Ada, kaya tinanggal niya ang kamay niya kay Kent. Naupo siya at tumingin sa bintana.

"Ada?" Bulong ni Kent at nagtataka.

"Naaalala ko na ang lahat..." Sabi ni Ada.

"Talaga?! Mabuti at bumalik na ang alaala mo!" Bulalas ni Kent.

"Oo, lahat... kasama na ang panloloko mo!" Sabi ni Ada habang hindi pa rin nakatingin sa kanya.

"Ada, hindi kita niloko. Mali ka ng iniisip." Pagtanggi ni Kent.

"Umalis ka na, ayokong makita ka!" Inis na sabi ni Ada.

Tumango si Kent sa sinabi ni Ada, sinusubukang hawakan muli ang kanyang kamay subalit iniiwas ito ni Ada.

"Pakiusap Ada makinig ka sa akin. Nang gabing iyon, lasing ako, ngunit nakatulog lang ako. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa silid na iyon, ngunit walang nangyari sa pagitan namin. Please... maniwala ka sa akin." Paliwanag ni Kent.

"Ngayon, pinapaliwanag mo kung anong nangyari, tsk! Ayokong marinig ang mga kasinungalingan mo!" Inis na sabi ni Ada.

"Ada, patawarin mo ko sa pagkakamali ko, Pero yan talaga ang totoo. Pakiusap wag kana magalit, pakiusap." Ani Kent at niyakap ng mahigpit si Ada, ngunit nagpupumiglas si Ada ngunit wala siyang lakas na itulak palayo si Kent.

"Let me go!" Utos ni Ada, ngunit hindi siya nakinig.

"No! I won't let you go! I love you, I can't lose you." Kent said as he hugged her tightly.

"Sa ilang taon na wala ka sa akin, hindi ako nakisama sa ibang babae. Hindi ko kayang mahalin ang iba, sapagkat ikaw lang ang nag-iisa sa puso ko at mahal ko! I'm so sorry, kung ano man ang nagawa kong mali. Please, forgive me... Mahal na mahal kita!" Sabi ni Kent habang umiiyak.

Nagsimulang bumagsak ang luha ni Ada sa kanyang pisngi. Hinawakan ni Kent ang mukha niya at pinunasan ang luha ni Ada.

"Please huwag ka ng umiyak, ayokong makita kang umiiyak." Hinawakan ni Kent ang kamay ni Ada at inilagay sa kanyang puso, "Nandito ka lagi sa puso ko at walang ibang nagmamay-ari nito, kundi ikaw lang! Ikaw lang, wala ng iba!"

At dahan-dahan syang yumuko at marahang hinalikan si Ada sa mga labi.

"Mahal kita! Mahal na mahal kita ng buong puso!" Bulong ni Kent at hinalikan niya ulit ito ng puno ng pagmamahal at matamis na haplos.

Isang matamis at kaibig-ibig na halik para sa kanyang pinakamamahal. Ang mga halik na iyon ay puno ng pagmamahal, kasabay ang ng mga luha sa kanilang mga mata.

Ang isang mahalagang bahagi ng isang relasyon ay ang tiwala sa bawat isa at hindi sumuko sa anumang problema.

'Di nagtagal ay may kumatok sa pintuan. Pinunasan ni Kent ang luha niya, bago tumayo at binuksan ito. Nakita niya si Mr. Salmonte na may dalang isang bulaklak.

"Hi, pwede ba akong pumasok?" Bati niya habang nakangiti.

"Yes." Sabi ni Kent habang binuksan ng maluwag ang pinto at pumasok si Mr.Salmonte.

Nakita niyang gising na si Ada habang nakaupo sa kama. Lumapit siya kay Ada malapit sa kama niya at nginitian niya ito. Sinusuri niya ang hitsura nito at sa palagay niya ay maganda ang mukha niya, ngunit asawa na siya ni Kent, sa isip-isip niya.

Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon