Chapter 61 ~ Blackmailing

11 1 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Sa opisina ni Kent.

Ibinigay ni Willy ang mga dokumento at sinabi na nalaman niya kung sino ang nasa hotel.

"Boss, ito ang mga hiniling mong dokumento at nalaman ko ang tungkol sa hotel." Sabi ni Willy.

"Sino?" Tanong ni Kent.

"Sir, si Lucy po yan!" Sabi ni Willy.

"Si Lucy?" Sabi ni Kent na nagulat siya.

"Opo, Sir!" Sabi ni Willy.

Habang nag-uusap sila ay biglang dumating sa opisina si Lucy. Nakasuot siya ng pink na fitted dress na damit at dumiretso sa upuan at tiningnan si Kent ng isang matamis na ngiti.

"Sige Willy, pwede ka na." Sabi ni Kent.

"Ok Sir." Lumabas si Willy.

Pagkalabas ni Willy, kaagad na kinausap ni Lucy si Kent.

"So, I think alam mo na kung sino ang kasama mo kagabi." sabi ni Lucy na may isang matamis na ngiti.

"Ano pa ang kailangan mo Lucy?" Marahas na tanong ni Kent. Inilabas ni Lucy ang mga larawang dala niya sa maliit na sobre. Inabot niya ito kay Kent.

Tiningnan ito ni Kent. Nagulat si Kent sa mga nakita niyang larawan. Kasama niya si Lucy sa kama at naghahalikan sila sa ilang litrato.

"Ano ito?!" Galit na sabi ni Kent.

"Ang sweet nating alaala." Sabi ni Lucy habang nakangiti.

"Hindi kita binibiro!" Sabi ni Kent at nakaramdam ng inis.

"Seryoso ako, hindi mo ba naalala kagabi, hmm?" Sabi ni Lucy habang inaasar siya.

Ngunit hindi sumagot si Kent at inirapan lang niya si Lucy.

"Aba, pagkatapos ng lahat ng nangyare satin kagabi, hindi ba mas mabuting magsama tayo?" Sabi ni Lucy.

"In your dream!" Sabi ni Kent.

"Well, gusto ko lang maging boyfriend kita, ngunit kung ayaw mo, may plano ako para sa mga larawang ito." Sabi ni Lucy habang hawak ang mga larawan nila ni Kent mula sa kuha niya kagabi.

"Hindi ako pwedeng maging boyfriend mo dahil may asawa na ako!" sagot ni Kent.

"Ganun ba? Well, gusto ko lang samahan mo ako sa awards night, ngayon kung ayaw mo, maipapadala ko na lang ito sa asawa mo." Sambit ni Lucy habang binabantaan niya si Kent.

Nagalit si Kent at tumayo at lumapit kay Lucy. Mahigpit na hinawakan ni Kent ang panga niya, matalim na nakatingin kay Lucy at galit na sabi.

"Lucy, isa lang ang sasabihin ko. Huwag mong sagarin ang pasensya ko!!!" Galit na sabi ni Kent.

Gulat na gulat si Lucy sa ginawa ni Kent. Pinunit ni Kent ang mga larawan at itinapon ito sa harap ni Lucy.

"Ok, kahit na pinunit mo yan, meron pa naman akong kopya nyan! Kung hindi mo ako sasamahan sa gabi ng parangal, ipapadala ko ito sa iyong asawa o ii-post ko ito sa social media!" Banta ni Lucy at saka siya lumabas ng kwarto.

Lost StarWhere stories live. Discover now