Chapter 52 ~ Ang Pamamasyal

11 1 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~



Nag daan ang mga araw...

Every week-end ay lumalabas silang buong pamilya, minsan ay namamasyal sila sa parke o sa mall.

Nagayong araw ay naisipan nilang pumunta sa mall. Masayang bumili si Charmaine ng mga damit sa isang mamahaling botique ng mga bata.

Habang namimili sila ng damit ni Charmaine, tinanong ni Kent si Ada.

"Gusto mo bang bumili ng para sayo?" Tanong ni Kent kay Ada.

"Ha, hindi na! Ang dami ko pa ngang damit dun sa bahay, na hindi ko pa naisusuot." Pagtanggi ni Ada.

Habang magkausap sila ay biglang nagring ang telepono ni Kent. Sinagot naman niya ito kaagad.

"Teka, sasagutin ko lang ito." Sabi ni Kent at naglakad na palayo kay Ada. Lumabas siya ng botique, habang kausap ang nasa telepono.

Habang hinahanap ni Ada ang damit ni Shasha.

"Ano ang gusto mo dito Shasha?" Tanong ni Ada sa kanyang anak.

Itinuro ni Shasha ang dress na kulay lila na damit.

"Ito Mommy!" Sambit ni Shasha habang naghuhubad ng isang tutu dress.

"Okay. Mabuti na lang, bagay sayo!" Masayang sabi ni Ada.

Hindi nagtagal ay muling lumapit sa kanila si Kent at tinapos ang pakikipag-usap sa telepono.

"Oh may napili ka na ba?" Tanong ni Kent.

"Oo meron na." Sabi ni Ada.

Dala ng sales lady ang kanilang napiling damit at pagkatapos ay pumunta si Kent sa counter upang magbayad.

Pagkatapos ay nagpasya silang kumain muna sa isang restawran. Pumasok sila doon at bumili ng makakain.

"Ano ang gusto ng aking baby?" Tanong ni Kent kay Charmaine.

"Gusto ko ng icecream!" Masayang sinabi ni Shasha sa kanyang Daddy.

"Ice cream, ngunit dapat ka munang kumain bago ka makakuha ng ice cream, ok?" Sabi ni Kent.

"Okay Dad!" Sabi ni Charmaine.

"Kumusta naman ang Mahal ko, ano ang gusto mo?" Tanong ni Kent kay Ada.

"Ah, beef steak na may mga veges at ice tea." Sagot ni Ada.

"Ah ok." Tapos tinawag ni Kent ang waiter at umorder na sila.

Habang naghihintay sila sa pagkain na kanilang inorder, hinawakan niya ang kamay ni Ada sa ibabaw ng mesa. Hinahaplos niya ito.

"Nasaan na ang singsing mo? Bakit hindi mo ito sinusuot?" Tanong ni Kent na napansin na wala siyang suot na singsing.

"Ah, anong singsing?" Tanong ni Ada.

"Yung singsing natin sa kasal, Engangement Ring, at yung Diamond Ring." Sabi ni Kent.

"Ah, yun pala! Hahanapin ko." Sabi ni Ada habang napakamot siya sa gilid ng kanyang ulo.

"Okay, sana mahanap mo." Sabi ni Kent.

Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon